GMA Logo michael sager and vina morales
source: Born to Shine
What's on TV

Astra M, pinakawalan na nang tuluyan ang YUMI at si Dara Halari

By Kristian Eric Javier
Published August 25, 2026 7:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Liza Soberano says 'Forgotten Island' has plenty of Easter eggs for Pinoys
Sayran nato ang Dagan sa Panahon karong Adlawa August 25, 2026 | Balitang Bisdak
Patricia Tumulak, TENDERISM ang pamanang recipe ng kanyang lola sa tuhod! | Farm To Table

Article Inside Page


Showbiz News

michael sager and vina morales


Isang importanteng pahayag ang ibinahagi ng Astra M tungkol kay Dara Halari at sa YUMI.

Isang mahalagang anunsyo ang ibinahagi ng Astra M, ang recording company na pag-aari ni Monica Pascual (Roselle Nava), tungkol sa kahihinatnan ng karera ng P-Pop girl group na YUMI at ni Dara Halari (Vina Morales) sa Born to Shine.

Saad ng Astra M sa kanilang pahayag, “First, we acknowledge and respect Ms. Megan Halari's decision to step down as a member of YUMI. After discussions with all the concerned party, Astra M has accepted her resignation. As a result, YUMI will officially conclude its group activities.”

Mensahe naman ng kumpanya sa YUMI, “To the members of YUMI, we thank you for your talent, your dedication, and the music you've shared with everyone.”

MULING KILALANIN ANG MGA MIYEMBRO NG YUMI SA GALLERY NA ITO:

Ibinahagi rin ng Astra M ang naging desisyon nila tungkol sa kontrata ni Dara, “Following a comprehensive internal review, Astra M has made a difficult decision to end its professional relationship with Ms. Dara Halari effective immediately. Her exclusive management contract with Astra M is now terminated. This decision was reached after careful evaluation and in consideration of the company's values.”

Sa mga nakaraang episode ng Born to Shine, ilang beses nang ipinarating ni Megan (Olive May) ang kagustuhan niyang mag-quit sa YUMI. Napigilan lang siya ni Nate (Michael Sager) dahil sinabi nitong pag-isipan muna ng young singer ang kaniyang desisyon.

Ngunit matapos ang paulit-ulit na hindi pagpunta sa rehearsals ni Megan, hindi pag-uwi sa YUMI house, at sa isang pagkakataon, ay dumating pa sa isang event na unprepared at puyat, pinagsabihan nina Nate at Monica si Megan.

Dahil pakiramdam niya ay hindi siya naa-appreciate ng Astra M, nagdesisyon si Megan na mag-quit na lang sa YUMI.

Samantala, nadiskubre naman ni Jeni (Zephanie), at kalaunan, ni Vanna (Sheryl Cruz) ang panloloko ng kaniyang asawang si Freddie (Christian Vasquez) at Dara. Sa kanilang wedding anniversary, ipinaalam ni Vanna sa kanilang mga bisita ang pagtataksil na ginawa ng kaniyang asawa at kaibigan.

Dahil dito, maraming netizens ang nam-bash kay Dara, lalo na noong inamin ni Freddie na natukso lang siya dito.

Para maprotektahan ang kanilang kumpanya, napagdesisyunan na lang ng Astra M na tapusin na ang kontrata ni Dara. At dahil sa pag-alis ni Megan, naisip ng kumpanya na i-disband na lang ang YUMI.

Matupad pa kaya ang pag-abot sa pangarap nina Yuna, Nancy at Alfea? Abangan sa Born to Shine, Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime at Kapuso stream.