
Laman ng balita ngayon ang drowning incident na nagresulta sa pagkamatay ng incoming rookie ng Ateneo De Manila University na si Rene Baterbonia.
Base sa report ng "Unang Balita" na ipinalabas sa Unang Hirit at Balitanghali ngayong June 10, nakahimlay na sa Arlington Memorial Chapels sa Quezon City ang labi ni Rene.
Isa sa mga personal na bumisita sa labi ni Rene ay ang kanyang high school basketball coach sa Ateneo De Davao na si Coach Jess Evangelio.
Ayon pa sa report, nagtungo sa chapel ang investigators mula sa PNP-CIDG upang makausap ang pamilya Baterbonia ngayong June 10.
Humiling ng privacy ang pamilya ng basketball player, kaya hindi muna sila nagbigay ng bagong pahayag sa media.
Courtesy: Balitanghali
Si Rene ay isa sa mga miyembro ng Ateneo Blue Eagles na nalunod habang nasa kanilang “team-building” activity sa Dipaculao, Aurora.
Nalunod din doon at binawian ng buhay ang foreign athlete na si Divine Adili.
Nagdadalamhati ang sports community sa Pilipinas sa pagpanaw ng basketball players.
RELATED CONTENT: In Memoriam: Divine Adili and Rene Baterbonia's basketball journeys