
Wagi ang ilan sa mga tinitingalang personalidad ng GMA Network sa 15th Gandingan Awards na inorganisa ng UP Community Broadcasters' Society, isang socio-civic media-oriented student award-giving body.
Binibigyang-pugay at pinararangalan sa Gandingan Awards ang mga kontribusyon ng iba't ibang alagad ng midya: mga natatanging istasyon, personalidad, at programang naging kasangga natin sa pagsugpo sa pandemya.
Narito ang listahan ng mga naiuwing parangal ng GMA News and Public Affairs, Barangay LS 97.1 Forever, at ilang mamamahayag ng istasyon.
Idinaos ang online Gandingan 2021 na may temang "Midya: Kaagapay ng Bayan sa Pagharap sa Krisis sa Pampublikong Kalusugan” ngayong araw, May 22, sa Gandingan Awards Facebook page.