What's Hot

Edukasyon sa panahon ng pandemya, tampok sa 'Batch 2020' documentary ni Atom Aurallo

By Dianara Alegre
Published October 23, 2020 12:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 up over 27 areas as Wilma threatens to make landfall over Eastern Visayas
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Atom Araullo


New normal sa edukasyon ngayong may pandemya, tampok sa 'The Atom Araullo Specials: Batch 2020' ngayong Linggo, October 25.

Tampok sa The Atom Araullo Specials: Batch 2020 ngayong Linggo, October 25, ang apat na kuwento ng mga guro at estudyante ngayong panahon ng pandemya.

Dahil sa pandemya, ang pagbubukas ng klase para sa taong 2020-2021 marahil ang pinakamahirap at natatangi sa kasaysayan ng bansa.

Binuksan ng Department of Education (DepEd) nitong Oktubre 5 ang klase sa ilalim ng blended learning.

The Atom Araullo Specials Batch 2020

Sa espesyal na dokumentaryo ni Kapuso award-winning journalist Atom Araullo, ibabahagi niya ang apat na inspiring stories ng mga guro, estudyante, at educator na patuloy na sumasabay sa takbo ng bagong edukasyon sa bansa.

“Mayroon tayong kuwento tungkol sa volunteers na naunsiyami 'yung kanilang pagtatrabaho dahil sa pandemic---for free. Nagpupunta sa mga malalayong lugar.

“Nandiyan 'yung mga teacher na sumugal sa pagiging teacher-broadcaster dahil kailangan magturo over the television,” lahad ni Atom nang makapanyam ng Unang Hirit nitong Biyernes, October 23.

Dagdag pa niya, labis siyang naantig sa istorya ng kabataang nakausap nila sa General Nakar sa probinsiya ng Quezon, ang isa sa mga isolated communities sa Pilipinas.

“Pero lalung-lalo na for me 'yung mga student pa rin. 'Yung nakausap namin na bata dun talagang mare-realize mo rin 'yung ating sariling blessing kapag nakausap mo 'yung mga kabataan sa lugar na 'yon.

“Para sa kanya ang gusto niya lang talagang gawin sa buhay ay makapagbasa,” aniya pa.

Mapapanood ang The Atom Araullo Specials: Batch 2020 sa Linggo, October 25, sa ganap na 3:30 ng hapon sa GMA.