GMA Logo The Master Cutter
What's on TV

Atoy, mahanap kaya ang missing ladies?

By Aedrianne Acar
Published June 16, 2026 4:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Divine Adili's father Elias set to fly to Philippines
GMA Network is Rotary Club of Manila’s Television Station of the Year
How Gabbi Garcia spent her solo time in Paris

Article Inside Page


Showbiz News

The Master Cutter


Rakrakan na this week sa 'The Master Cutter.'

Kumplikado ang new mission ng master tracker na si Atoy (Dingdong Dantes) dahil ilang kaso na ng babae ang nawawala dahil sa mga naka-chat nila sa isang dating app.

Matimbog kaya ng action star ng Tabang Lupa na si Atoy kung sino ang nambibiktima sa mga kawawang dalaga na kahit ang pamangkin ni Father Peping na si Queenie ay naglaho na rin ng parang bula?

Samantala, matunton naman kaya ni Audrey (Max Collins) si Atoy na matagal na niya gustong makita o maging hadlang ang Regalia family sa pangunguna ni Dmitri (Tonton Gutierrez) para hindi mangyari ang reunion ng dalawa?

The Master Cutter weekly plug

Huwag pahuhuli sa tumitinding mga eksena sa GMA Prime series na The Master Cutter, pagkatapos ng 24 Oras. At mapapanood ang second telecast ng show sa GTV sa oras na 9:45 p.m.

RELATED GALLERY: 'The Master Cutter actresses' with unmatched face cards