
Game na game na ibinahagi ni Atty. Annette Gozon-Valdes ang nilalaman ng kaniyang bag nang siya ay bumisita sa Sarap, 'Di Ba? noong August 12.
Pag-amin ni Atty. Annette, "Makikita ninyo na wala akong ginagawa kung hindi magtrabaho."
Si Atty. Annette ay ang president ng GMA Pictures, senior vice president of Programming, Talent Management, Legal Department, Human Resources Development, and GMA Worldwide Group.
Sa online exclusive na ito ay ibinahagi ni Atty. Annette ang nilalaman ng bag niyang Chanel 22.
Isa sa importanteng gamit ng GMA top executive ay ang cellphone at wallet in one. Sinundan naman ito ng tissue, power bank, earphones, coins, paper bills, at ballpen. Ipinakita rin ni Atty. Annette ang calling cards, receipts, at ang must-have niyang candy.
Pagdating sa pagpapalit ng kaniyang bag, inamin ni Atty. Annette na papalitan niya lamang ito kapag magulo na ang loob nito.
Panoorin ang masayang bag raid kay Ms. Annette sa online exclusive ng Sarap, 'Di Ba?