GMA Logo Annette Gozon-Valdes
Source: battleofthejudgesph/IG
What's Hot

Atty. Annette Gozon-Valdes, nahirapan on-cam sa 'Battle of the Judges'

By Kristian Eric Javier
Published October 5, 2023 6:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Annette Gozon-Valdes


Bakit naging mahirap para sa Senior Vice President ng GMA Network Inc. na si Atty. Annette Gozon-Valdes ang mag on-cam?

Aminado ang Senior Vice President ng GMA Network Inc. na si Atty. Annette Gozon-Valdes na nahirapan siya maging on-cam sa katatapos lang na reality talent competition show na Battle of the Judges. Aniya, malaki ang pressure na naramdaman niya dahil sa mga kasamahan niyang sanay na on-cam.

Sa interview niya sa Surprise Guest with Pia Arcangel podcast, idinetalye ni Atty. Annette kung gaano kahirap para sa kanya ang lumabas sa harap ng camera.

“It's very time consuming. Minsan inaabot kami ng taping ng mga 4 a.m. but we started in the afternoon. Kasi ang haba e, ang daming preparations per act,” sabi nito.

Ayon pa kay Atty. Annette, “Iba 'pag on cam, you always have to do your best, hindi ka pwedeng mag-fumble. Siyempre it's a lot of pressure kasi may iba akong mga kasamang judges na talaga namang celebrities, sanay na sanay being on cam.”

Dagdag pa niya, naranasan niya ang buhay artista na napupuyat at laging naka-makeup, at hindi niya gamay ang ganoong set up.

“Mas gusto ko na off-cam lang or behind the scenes, or working on a desk, on my computer.”

Ikinuwento rin ni Atty. Annette kung paano siya nakasama bilang isa sa mga judges ng programa. Napag-uusapan ang pagpili ng mga judges ng isang sub-committee ng may mag-suggest na kailangan isa sa mga ito ay mula sa GMA Executives.

Pag-alala niya, “So sabi ko nga, 'Si Lilybeth (Rasonable), si Miss Lilybeth.' Tapos sabi nila, 'Hindi, ikaw, ikaw dapat.'”

BALIKAN ANG NAGING "BARDAGULAN" NG MGA JUDGES SA MEDIACON SA GALLERY NA ITO:

Pero kahit nahirapan, masaya naman si Atty. Annette sa kakaibang experience niya sa show. Lalo na ang makasama niya ang fellow judges niya na sina Boy Abunda, Bea Alonzo, at Jose Manalo, ang host nilang si Alden Richards, at ang staff ng show.

“Behind the scenes, when we're not on-cam, ang dami namin kuwentuhan. We got to be very close with each other so parang may sepanx nga 'pag matapos na 'yung show,” kuwento nito.

Dagdag pa ni Atty. Annette, “During tapings, naisipan namin na 'mag-potluck tayo, sabay-sabay tayo kumakain,' parang party, so 'yun 'yung very fun side.”

Pakinggan ang buong interview ni Atty. Annette dito: