GMA Logo boy abunda bea alonzo and annette gozon
Image Source: beaalonzo (Instagram)
What's on TV

Boy Abunda, Bea Alonzo, Annette Gozon, inilahad ang mga inaasahan sa 'Battle of the Judges'

By Kristian Eric Javier
Published July 11, 2023 4:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

boy abunda bea alonzo and annette gozon


Handang-handa na ang mga hurado ng 'Battle of the Judges.' Anu-ano kaya ang kanilang mga saloobin tungkol sa kompetisyon?

Handang-handa sina Boy Abunda, Bea Alonzo at Atty. Annette Gozon-Valdes na maging hurado sa pinakabagong multi-talent show na Battle of the Judges.

Sa interview ni Cata Tibayan para sa Kapuso morning show na Unang Hirit, nagbigay ng mga saloobin ang tatlong hurado tungkol sa bagong programa.

Sabi ng batikang host at talent manager na si Boy, "I'd like to be open to the things I don't expect, things I know, things I like, things I don't like."

Nabanggit din ng King of Talk na nais niiyang matuto siya mula sa show “bilang isang manager, bilang isang host, bilang isang miyembro ng entertainment industry.”

Ayon naman kay Bea, alam niya ang pakiramdam ng isang talent na nagsisimula pa lang at bilang isang contestant. Sinabi rin niya na nagkaroon siya ng confidence maging isa sa mga hurado “dahil alam ko, it will change somebody's life.”

Dagdag pa niya, "Ito 'yung pagkakataon ko to give back all my knowledge, all my experiences.

Isang competitive pero may pusong hurado ang gustong ipakita ni Atty. Annette sa Battle of the Judges. Paliwanag niya, “I believe na kahit hindi members ng squad ko, everyone should be given a chance to shine.”

Nag-iwan din ang GMA Senior Vice President and GMA Films president ng isang mensahe sa kapwa niya judges: “Pero if ganyan na nga, may the best judge win.”

Nakakakilabot naman para sa Asia's multimedia star at host ng Battle of the Judges na si Alden Richards ang magaganap na premiere ng show ngayong July 15.

“You should watch this starting July 15, 'yung opening namin. Walang performances, just camera movements, how the stage was showcased, how the judge was introduced,” sabi nito.

Panoorin ang buong interview nila dito:

SAMANTALA, TINGNAN ANG MGA KAGANAPAN SA MEDIA CONFERENCE NG BATTLE OF THE JUDGES DITO: