
August 21 is the day na mapapanood ang fresh episode ng award-winning gag show na Bubble Gang matapos ang ilang buwan!
At dahil dapat harapin ang hamon ng new normal with a smile, sinigurado ng creative team ng flagship-comedy program ng Kapuso Network na swak na swak sa panlasa ninyo ang mga gag at sketch na mapapanood n'yo this Friday night.
Sa panayam kamakailan sa dancer-comedienne na si Lovely Abella, sinabi nito na hangad nilang pagaanin ang loob ng mga Kababol sa gitna ng pandemya.
Wika nito, “This time po mas na-inspire po kami talaga magpasaya kasi, siyempre po, lahat ngayon problemado, nade-depress, nagkaka-anxiety po because po of the situation.
“Kaya ito po 'yung isang way namin para matulungan sila para kahit papaano maibsan 'yung kalungkutan nila.”
Kaya piliin na makitawa bukas ng gabi sa inaabangan ninyong all-new episode ng Bubble Gang pagkatapos ng star-studded line-up ng GMA Telebabad!
Same gang, new laughs | Teaser Ep.
Archie Alemania at Valeen Montenegro, nasubukan ang creativity sa new episode ng 'Bubble Gang'
New episodes ng 'Bubble Gang,' maghahatid ng inspirasyon