GMA Logo Legal Wives
What's on TV

Avid viewers ng 'Legal Wives,' humihirit ng book 2 para sa serye

By Marah Ruiz
Published November 12, 2021 11:33 AM PHT

Around GMA

Around GMA

24 Oras Weekend Livestream: December 27, 2025
Purple Hearts Foundation brings joy via year-end gift-giving outreach
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

Legal Wives


Humihiling ang avid viewers ng 'Legal Wives' na magkaroon ng book 2 ang serye.

Ngayong gabi, November 12, ang finale episode ng GMA Telebabad series na Legal Wives.

Nakabalik na sa piling ng kanyang pamilya si Ismael (Dennis Trillo), pero muli naman mawawala ang kanyang first wife na si Amirah (Alice Dixson).

Aamin naman si Abdul Malik (Bernard Palanca) na siya ang pumatay kay Vince (Jay Arcilla).

Tila unti unti na ring nagbabago si Marriam (Ashley Ortega) sa tulong ni Edgar (Derrick Monasterio).

Dahil dito, sa tingin ng maraming manoonod ay marami pang mga kuwentong maaring ibahagi ang serye.

Kaya naman humihiling sila na ipagpatuloy pa ang kuwento nito sa pamamagitan ng pagkakaroon ng book 2.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento.


Samantala, huwag palampasin ang finale episode ng Legal Wives, ngayong gabi pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.