
Award-winning Cinemalaya films ang hatid ngayong linggo ng digital channel na I Heart Movies.
Isa na diyan ang 'Ekstra' na pinagbidahan ni Star for All Seasons Vilma Santos at directed by Jeffrey Jeturian.
Isinulat ni Jeturian ang screenplay nito kasama ang kapwa multi-awarded filmmakers na sina Antoinette Jadaone at Zig Dulay. Tungkol ito sa tipikal na araw ng isang ekstra na nagtatrabaho sa isang teleserye.
Bahagi ito ng Directors Showcase ng 9th Cinemalaya Independent Film Festival kung saan nakuha nito ang Special Jury Prize, Audience Choice, NETPAC Award, at Best Screenplay.
Pinarangalan naman si Vilma Santos bilang Best Actress, habang Best Supporting Actress naman si Ruby Ruiz.
Abangan ang 'Ekstra,' July 24, 9:35 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Huwag din palampasin ang family drama film na 'Bisperas,' starring Tirso Cruz III, Raquel Villavicencio, Julia Clarete, at marami pang iba.
Iikot ang kuwento nito sa isang pamilya na malolooban at mananakawan ang bahay sa bisperas ng Pasko.
Hinirang ito bilang Best Film sa 7th Cinemalaya Independent Film Festival. Nabingwit din nito ang Best Cinematography at Best Production Design.
Pinarangalan naman si Raquel Villavicencio bilang Best Actress at si Julia Clarete bilang Best Supporting Actress matapos ang kanilang pagganap sa pelikula.
Tunghayan ang 'Bisperas,' July 21, 9:35 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available rin ito sa iba pang digital television receivers.