
Hindi napigilang maging emosyonal ni Awra Briguela nang balikan ang nangyaring insidente noong 2023 kung saan nasangkot siya sa gulo sa isang bar sa Poblacion, Makati, dahilan ng panandaliang pagkakakulong.
Sa pakikipagkuwentuhan kay King of Talk Boy Abunda sa programang Fast Talk with Boy Abunda ngayong Biyernes (August 7), sinabi ni Awra na matagal nang tapos ang nangyari noon sa kanya.
"'Yung mga cases po dismissed na. Halos isang taon ko pong hinarap 'yung kaso. Humingi po talaga ako ng tawad sa lahat po ng involved privately. At nag-take po talaga ako ng accountability," sabi niya.
"And, it took me more than a year para talaga maka-move on and para mag-start ulit sa pagkakamaling nagawa ko na 'yon."
Binalikan din ni Awra ang open letter na pinost noong May 2024 kung saan humingi siya ng tawad.
"Siguro po 'yung open letter na 'yan hindi po nakarating sa maraming tao, pero yes po, bago po ako mag-post ng open letter, minake sure ko po talaga na naayos na siya privately. Minake sure ko po na okay na po 'yung lahat bago po ako mag-post ng open letter na 'yan.
Nang tanungin kung parte ba ng agreement ang kanyang public apology, sagot ni Awra, "Hindi po. Personal choice ko po talaga 'yan. And reflection ko po 'yan after lahat nung nangyari."
Inamin din ni Awra ang pagkakataong gusto na niyang sumuko sa gitna ng intense bashing sa kanya.
"Araw-araw po, Tito Boy. Alam po 'to ng mga kapatid ko and even ng mga friends. Kahit ano po kasing try ko talaga after nu'ng nangyari, isang taon bago ako ulit humarap sa tao, bago ko i-continue 'yung pag-aaral ko. Nu'ng kinontinue ko pag-aaral ko hanggang sa maka-graduate ako ng senior high school, may nasasabi pa rin 'yung mga tao sa akin.
"And even now, na pinagpapatuloy ko lang lahat ng magagandang nasimulan ko after ng pagkakamali ko, marami pa rin silang nasasabi. Up until now po na nag-aaral ako lalo na ngayong college, araw-araw po ayoko na po talaga.
"Pero ang iniisip ko po kasi 'yung mga kapatid ko, 'yung parents ko na hindi ako sinukuan, na 'yung lumalaban para sa akin. Sila po 'yung nagiging motivation ko. Pero kung ako lang po, Tito Boy, ayoko na talaga kasi wala e, kahit ano naman po gawin ko parang wala lang po."
Para kay Awra, ang pinakamahalagang leksyon sa nangyaring ito ay ang matuto sa naging pagkakamali niya.
"'Yung hindi ka ide-define ng pagkakamali mo. And 'yung pagkakamali mo, kailangan matututo ka talaga do'n. Kung talagang nagsisi ka, hindi mo na siya uulitin. At doon ko po masasabi na totoong nagsisi po talaga ako sa nangyari kasi hindi naman na po siya naulit.
"And gusto ko lang po ma-realize ng mga tao at ipaalala sa kanila na I was just a kid, I was just a teenager, 19 years old lang po ako nu'ng nangyari lahat 'yon. So lahat po ng pinagdaanan ko na 'yon, sobrang bata ko lang po. Hanggang ngayon po tina-try kong maging better, everyday.
Related gallery: Awra Briguela and her fierce looks