GMA Logo Awra Briguela
Source: awrabriguela (IG)
What's Hot

Awra Briguela, nanindigan laban sa cyberbullying at transphobia

By Mark Joseph F. Carreon
Published January 5, 2026 3:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Ilang lugar sa bansa, binaha dahil sa Habagat | GMA News Bulletin
Tornado displaces families; knocks down trees, posts in Iloilo
'The Girls: A Khloé Kardashian Project' premieres August 21st exclusively on Dinsey+

Article Inside Page


Showbiz News

Awra Briguela


Buong tapang na hinarap ng aktres at social media personality na si Awra Briguela ang kanyang mga bashers sa pagsisimula ng taong 2026.

Sa kanyang mga post sa X nitong Sabado, January 3, 2026, idineklara ni Awra Briguela na tapos na ang panahon ng kanyang pananahimik sa gitna ng mga transphobic at homophobic attacks laban sa kanya.

Nagsimula ang usapin matapos mag-viral ang reply ni Awra sa isang netizen na nanlait sa kanyang pisikal na anyo. May ilang bumatikos sa naging reaksyon niya rito.


Agad namang naglabas ng saloobin si Awra at sinabing sa kabila ng mga pambabatikos at ilang homophobic attacks sa kanya ng ilang netizens, nanatili siyang tahimik dahil mas pinipili niya ang kapayapaan.

“You've all been bullying me online, picking on me every single day. You've been transphobic and homophobic toward me, yet you never hear anything from me in response,” sulat ni Awra sa kanyang post.

“I chose peace. I chose to ignore everything, even though I was getting hurt every single day, despite not doing anything to any of you,” dagdag pa niya.

Binigyang-diin din niya rin ang 'double standard' kung saan siya pa raw ang lumalabas na masama sa mata ng publiko sa tuwing dine-depensahan niya ang sarili laban sa mga bashers.: “You enjoyed doing that because, for so long, I chose not to stand up for myself. But when I finally do, I'm suddenly the bad person?”

“It's 2026, yet so many of you still enjoy bullying someone who is trying to grow, improve, and redeem herself from past mistakes,” ani pa niya.

Ayon pa kay Awra, pagod na raw siya sa pagiging "bigger person" at sinabing hindi na niya hahayaang magkaroon ng kalayaan ang mga transphobes at homophobes na i-bully siya online.

Mas tututukan niya rin daw ngayong taon ang kanyang “transitioning era” bilang isang transwoman.

“I'm tired of being the bigger person. This year, I'm focusing on myself and my transitioning era. I promise myself that I will no longer give transphobes the freedom to bully me,” pahayag ni Awra.

Tinapos ni Awra ang kanyang post sa isang matapang at confident na pahayag: “One thing I should've done sooner was be meaner to those transphobes. I don't care anymore. I will stand up for myself this time.”


Nakakuha ng suporta at papuri ang statement ni Awra mula sa kanyang followers, pati na rin sa mga kilalang personalidad gaya nina Sassa Gurl, drag performer Odasha Flop, at AC Soriano.

Noong 2025, matagumpay na nasungkit ni Awra ang titulong first runner-up sa kanyang pageant debut sa Hiyas ng Silangan 2025.

Sa kanyang speech sa nasabing kompetisyon, ibinahagi niya na ang kanyang advocacy na anti-bullying, at binigyang-diin niya na siya ay "living proof that no amount of bullying can silence a brave heart.”
Related Gallery: Awra Briguela and Her Fierce Looks