GMA Logo Awra Briguela
Photo by: Screenshot from Fast Talk with Boy Abunda; awrabriguela (IG)
What's Hot

Awra Briguela reveals celebrity peg for her rhinoplasty

By Aimee Anoc
Published August 8, 2026 5:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Alas Pilipinas Women stun powerhouse Vietnam in SEA V Cup 
This local fast food chain drops 2 cutest collectibles this August
P14.6M suspected smuggled cigarettes seized in NegOcc

Article Inside Page


Showbiz News

Awra Briguela


Awra Briguela sa kanyang rhinoplasty: "Ang peg ko po talaga originally is si Cindy Kimberly po... Hindi ko po in-expect na si Catriona po o si Kendra po 'yung magiging kamukha po sabi po nila."

Ngayong taon nagsimulang mag-transition ang aktres at social media personality na si Awra Briguela.

READ: Awra Briguela, emosyonal nang balikan ang 2023 Poblacion incident

Sa pagbisita sa Fast Talk with Boy Abunda noong Biyernes (August 7), ibinahagi ni Awra kung bakit nagdesisyon siyang magpa-rhinoplasty para sa kanyang transformation.

"This year po talaga nag-start po ako mag-transition. What I mean by that, this year nag-start po akong mag-consult sa endocrinologist sa tamang pag-inom po ng hormones ko and kasama rin po 'yung physical transformation ko po, hindi lang po sa pag-transition ko into transgender woman po," sabi ni Awra.

"Hindi ko naman po talaga insecurities 'yung ilong ko. Pero napansin ko po kasi at na-realize ko na malaking factor din po talaga 'yung ilong para ma-enhance 'yung buong mukha po. Feeling ko po mas may igaganda pa ako 'pag pinaayos ko po 'yung ilong ko. Kaya matagal ko rin po siyang pinag-isipan at pinagdesisyunan, na 'yung magiging first surgery ko po ever is 'yung ilong po," dagdag niya.

Ayon kay Awra, masaya siya sa naging resulta ng kanyang rhinoplasty dahil unang linggo pa lang ay nakita na niyang maayos ito.

"Kasi ang ini-expect ko po is mga after a month ko pa makikita 'yung result pero in just two weeks po and even now na one month na siya, maganda po 'yung resulta. Kaya super thankful po talaga ako na naging maayos po."

Nang tanungin kung may peg ba siya sa kanyang pagpapa-rhinoplasty, sagot ni Awra, "Opo, may ginaya po ako.

"Ang peg ko po talaga originally is si Cindy Kimberly po, Spanish model po siya. Hindi ko po in-expect na si Catriona [Gray] po o si Kendra [Kramer] po 'yung magiging kamukha po sabi po nila."

A post shared by AWRA (@awrabriguela)

Para kay Awra, kakaiba ang naidulot sa kanya ng rhinoplasty dahil, aniya, mas na-boost ang kanyang confidence.

"Kasi marami pong tao 'yung na-amaze din po sa transformation ko. Medyo matagal ko rin po siyang tinago kasi nag-post po ako nu'ng magaling na po ako, two weeks after the operation. Hindi ko po agad siya pinost po.

"And iba po 'yung naramdaman kong saya kasi marami rin pong nagandahan and marami pong um-agree na bagay po sa akin 'yung ilong ko and 'yung desisyon ko po tama po."

Panoorin ang buong interview ni Awra Briguela sa Fast Talk with Boy Abunda rito: