GMA Logo Ayta Brothers
What's on TV

'Ayta Brothers' ng 'The Voice Generations,' pangarap na magkaroon ng sikat na singer na Ayta

By Jimboy Napoles
Published September 7, 2023 2:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Davao City Coastal Road Segment B nga lakip ang Davao River Bucana Bridge, abli na | One Mindanao
PBB Collab 2.0: Housemates take on caroling challenge for 8th weekly task
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Ayta Brothers


Pangarap ng Ayta Brothers mula sa Team Bilib ng 'The Voice Generations' ang magkaroon ng sikat na singer mula sa kanilang tribong Ayta.

Matagumpay na nakapasa sa blind auditions ng The Voice Generations ang singer duo at Pampanga pride na Ayta Brothers na sina Arjohn Gilbert at Jayson Narciso.

Sa ikalawang episode ng programa noong Linggo, September 3, pinamangha nina Arjohn at Jayson ang apat na coaches na sina Billy Crawford, Julie Anne San Jose, Stell Ajero, at Chito Miranda nang awitin nila ang isang katutubong kanta at ang heartwarming rendition nila ng awiting “All My Life” ng American singers na sina K-Ci at JoJo.

BALIKAN ANG HIGHLIGHTS NG THE VOICE GENERATIONS' PILOT EPISODE DITO:

Matapos ang matinding panliligaw ng mga coaches, nanalo sa puso ng Ayta Brothers ang international performer na si Coach Billy kung kaya't napabilang sila sa grupong Team Bilib.

Kuwento nina Arjohn at Jayson, lucky charm nila sa kanilang performance ang kanilang katutubong kanta na dati ay pinapatanggal sa kanila sa tuwing magpe-perform sila sa ilang mga event.

Kuwento nila, “Naipapasok po namin 'yung culture song po namin po. Before po kasi talaga kami kumakanta po like sa mga event po, tinatanggal po 'yung native song po namin. Parang kapag kinanta po kasi 'yung song na 'yun parang nabe-bless po kayo tapos parang nawawala po 'yung problema n'yo.”

Pagbabahagi pa ng Ayta Brothers, pangarap nila na magkaroon ng sikat na artista sa Pilipinas na mula sa kanilang tribo na mga Ayta,

“Ako pangarap ko po talaga na sana meron nang maging artistang singer na Ayta. Hindi lang singer, actor, entertainer, or direktor,” ani Jayson.

“Pangarap po talaga namin 'yung mawala na 'yung diskriminasyon sa amin,” dagdag naman ni Arjohn.

Bago pa man sumali sa The Voice Generations, minsan na rin daw nag-viral noon sina Arjohn at Jayson sa social media dahil sa kanilang mga video habang umaawit.

Si Arjohn ay nakilala noong 2016 dahil sa kanyang boses na inihalintulad noon ng netizens sa sikat na Canadian singer na si Justin Bieber. Habang si Jayson, nakakuha naman ang atensyon online noong 2018 dahil sa kanyang video habang umaawit nang nakabahag, at tinawag pa siyang Jericho Rosales lookalike.

Umaasa ang Ayta Brothers na ang kanilang pagkakapasok sa The Voice Generations ay ang unang hakbang upang matupad hindi lang ang kanilang mga pangarap kung 'di maging ng kanilang buong tribo.

Anila, “Itong pagtungtong namin dito sa The Voice Generations, hindi lang po para sa amin 'to, sa mga nangangarap na kapwa namin mga Ayta, at sa buong Pilipinas. I know we have 110 tribes sa buong Pilipinas, sa mga kapwa tribo namin diyan, subukan mo 'yung pangarap niyo 'wag kayong mahiya.”

Tumutok sa The Voice Generations, tuwing Linggo, 7:00 p.m. pagakatapos ng Bubble Gang.