GMA Logo AZ Martinez as the next romcom princess
Courtesy: EJ Chua
What's Hot

AZ Martinez, the next Rom-com Princess?

By EJ Chua
Published May 7, 2026 3:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Motorsiklo na tinangay ng mga kawatan sa Rizal, nakita sa QC sa tulong ng GPS tracking device
#SONA2026 PBBM reports support for PH sports ‘tripled’
Buboy Villar at Kokoy De Santos, sasabak sa food challenge ng 'Farm To Table'

Article Inside Page


Showbiz News

AZ Martinez as the next romcom princess


Ano kaya ang masasabi ni AZ Martinez sa paglalarawan sa kanya bilang next Rom-com Princess?

Umani ng papuri si AZ Martinez sa kanyang mahusay na pagganap bilang si Sari sa The Secrets of Hotel 88.

Sa idinaos na mid-season media conference para sa collab series, tila kinilig si AZ nang marinig niya ang tanong ng press tungkol sa kanyang reaksyon ngayong marami ang nagsasabing siya na ang itinuturing nila na next Rom-com Princess sa Philippine entertainment industry.

RELATED CONTENT: PBB collab ex-housemates reunite for the mid-season mediacon of 'The Secrets of Hotel 88'

Pahayag ng Sparkle actress tungkol dito, “Ako? Oh My God, Rom-com Princess?... I really want to take this path. I really wanted to do a rom-com. I want to keep doing it.”

Napapanood si AZ Martinez sa serye bilang si Sari Garcia ang ka-love team ng karakter ni Ralph De Leon na si Martin.

Sa ilang eksena sa serye, nasaksihan ang natural na pagbitaw ni AZ ng kanyang mga linya at ang pagiging bubbly ng karakter niya na si Sari.

Sina AZ Martinez at Ralph De Leon ay parehas na ex-housemates ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, kung saan nagsimula ang pag-ship sa kanila ng kanilang mga nakasama sa Bahay Ni Kuya at ng viewers. Tinatawag sila ng marami bilang AZRalph.

Patuloy na tumutok sa collab mystery-family drama series na The Secrets of Hotel 88. Ipinapalabas ito mula Lunes hanggang Biyernes, 9:35 p.m sa GMA Prime. Mapapanood din ang late telecast nito sa GTV at sa Kapuso Stream at napapanood na rin ang serye sa iWant TV.