GMA Logo Kapuso Mo Jessica Soho
What's Hot

Babae, nagawang magnakaw ng P2M para sa K-pop merch

By Bianca Geli
Published March 6, 2023 5:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

EDSA rehab begins Dec. 24
2 hurt as truck falls into ravine in Zamboanga City
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Kapuso Mo Jessica Soho


Isang dalagita ang nagnakaw ng mahigit Php 2M, para sa K-pop merch. Slamin ang buong istorya sa 'Kapuso Mo, Jessica Soho'

Itinampok sa Kapuso Mo, Jessica Soho ang isang dalagita ang naadik sa pangongolekta ng K-pop merchanidise, na umabot sa puntong nagnakaw na ito ng mahigit P2 milyon para sa kaniyang koleksyon.

Mahigit 3,000 pirasong K-pop photocards ang nasa koleksyon ng senior high school student na si "Bea."

Lahat ng ito ay maingat na nakatago sa 23 binders. Ang pinakamahal dito, ay ang koleksyon niya ng NCT photocards na nasa P50,000 ang halaga kada isa. Bukod pa rito, mayroon din siyang 50 K-pop albums.

Nang bumisita naman sa Pilipinas para mag-concert ang grupong ENHYPEN, nakabili ng VIP seated ticket si Bea na may halagang P13,250.

Kuwento ni Bea, "Wala na po akong pera na sarili ko kaya ang ipinangbayad ko po is 'yung galing kay grandma."

Katuwiran ni Bea, "Napapasaya po kasi ako kapag ina-unbox ko siya binibigyan niya po ako ng excitement. Hindi ko po inexpect na aabot sa P2 million."

Ang kaniyang "Lola Agnes" ang bumubuhay kay Bea dahil hiwalay na ang mga magulang nito. Nagtatrabaho si Lola Agnes bilang taga-tinda ng plastik sa palengke, at tumutulong si Bea bilang kahera.

Ayon kay Lola Agnes, "100 percent ang trust ko sa kaniya, binabad ko na siya sa kaha eh."

Ngunit ang paglaki ng koleksyon ni Bea, ay siyang kasabay ng pagkawala ng puhunan ng negosyo ni Lola Agnes.

"Akala ko medyo mahina lang 'yung kita," saad ni Lola Agnes.

Hanggang sa nahuli ni Lola Agnes na ang nawawalang pera sa kanilang tindahan, ang siya palang paunti-unting ipinambili ni Bea ng K-pop merch.

Dahil rito, napilitan si Lola Agnes na magbenta ng ilang ari-arian.

Paano kaya nalulong sa ganitong adiksyon si Bea at paano umabot sa P2 milyon ang nagastos niya? Mabawi pa kaya ang nawaldas na pera?

Alamin sa Kapuso Mo, Jessica Soho:

SAMANTALA, TINGNAN ANG MGA NAKATUTUWANG KMJS EPISODES SA GALLERY SA IBABA.