Fangirl Moment: David Licauco's kilig date with his fan from Cagayan De Oro

Saan aabot ang pagiging fangirl mo?
Napuno ng “sana all” ang comment section ng social media posts ng 'Kapuso Mo, Jessica Soho' ('KMJS') tungkol sa kilig date ng tinaguriang Pambansang Ginoo at isa sa pinakakinagigiliwang Kapuso actor ngayon na si David Licauco kasama ang kanyang masuwerteng fan mula sa Cagayan De Oro na si Nik Sedayon.
Si Nik ang isang fan na napabalita kamakailan na ginawang kanto ang Quezon City mula sa kanyang hometown sa Cagayan De Oro upang makita lamang ang kanyang iniidolo na si David.
Sa episode ng 'KMJS' nitong Linggo, February 12, naganap na ang pagkikita at maagang Valentine's date nina David at Nik.
Silipin ang ilan pa sa mga never-before-seen photos ng dream-come-true date ni Nik sa aktor na si David sa gallery na ito.












