
Napapanahon ang kuwentong tampok ngayong Sabado sa bagong Wish Ko Lang dahil tungkol ito sa babae na pag-aagawan ng dalawang lalaki at isang kapre.
Tampok sa Halloween episode na "Sanib" sina Dionne Monsanto, Prince Clemente, John Vic de Guzman, Kristoffer Martin, at Sue Prado.
Sina Dionne Monsanto at Kristoffer Martin sa 'Sanib' episode / Source: Wish Ko Lang
Ang ilang stars ng "Sanib" episode nagbigay ng kanilang opinyon at pananaw tungkol sa kapre at sanib.
Ang character actress na si Sue Prado ay naniniwala raw na may mga ibang nilalang sa mundo at posibleng totoo ang sanib.
“Naniniwala ako sa presensya ng ibang nilalang sa mundo natin. Lahat tayo ay napapaloob sa iisang enerhiya ng uniberso.
“(Maaring) may mga espirito na hindi pa nakakatawid sa kung saan man sila dapat huling humantong, dahil hindi pa tapos ang mga kaganapan nila sa mundo ng mga nabubuhay.”
Si Prince Clemente sa 'Sanib' episode ng bagong 'Wish Ko Lang' / Source: Wish Ko Lang
Samantala, ang Descendant of the Sun star naman na si Prince Clemente hindi lubusang naniniwala sa kapre o sa konsepto ng sanib.
“Honestly, hindi po ako naniniwala sa kapre or sa kahit anong mythical creatures.
"Hindi po talaga ako naniwala sa kahit anong hindi na prove ng science or no solid evidence.
“Marami na ring mga documentation about sa sanib. May mga lumulutang or biglang nagsasalita na hindi pangkaraniwan. To see is to believe, so 50/50 po ako.“
Si John Vic de Guzman bilang kapre / Source: Wish Ko Lang
Ang bagong Kapuso artist naman na si John Vic de Guzman, hindi pa raw nakakakita ng kapre kaya hirap siyang maniwala rito.
“Para sa akin medyo mahirap sagutin yung mga ganyang katanungan, kasi sa totoo lang hindi pa ako nakakakita ng kapre.
“Sabi nila to see is to believe, pero ayoko naman na hintayin na magpakita pa sa akin para maniwala ako, di ba? (Laughs)
“'Di naman masama maniwala. Bakit ba magkakaroon ng kuwento about elementals like kapre kung wala naman talaga, di ba?
“So, it might be na may nakakita na, kaya pwede tayong maniwala and others are still products of our imaginative minds
Kuwento pa ni John Vic, nakasaksi na raw siya ng aktwal na pagsanib sa ibang tao.
“Yes, naniniwala ako dahil may mga classmates ako nung elem na nasaniban, pero mahirap, e, kasi minsan yung demons pumapasok sa katawan natin at sa mga isip natin dahil masyado tayong kinakain ng emotions natin sa mga problema.”
Ang "Sanib" episode ng bagong Wish Ko Lang ang first acting project ng hothlete na si John Vic bilang Kapuso artist.
Siya ang gaganap bilang kapre na gagambala kay Riza (Dionne Monsanto).
Dionne Monsanto at Sue Prado sa 'Sanib' episode / Source: Wish Ko Lang
Ayon kay John Vic, masaya raw ang kaniyang naging first shooting experience.
“Super happy dahil me and Dionne are friends. Bago (yung) shoot nagkuwentuhan kami, and si Kristoffer and si Prince masaya katrabaho.
“Kinakamusta nila ako since naka-prosthetics ako, then sobrang barkada sila sa set kaya masaya.
“Sila direk iga-guide ka at tuturuan ka nang mabuti kaya mas nakakataas ng confidence level.”
Ani John Vic, hindi raw niya makakalimutan ang kaniyang buong experience sa shoot ng 'Sanib' episode.
“Buong araw kami na nag-shoot and it is unforgettable, dahil 'di biro yung ginawa nung naglagay sa akin ng prosthetics.
“Nakakapagod pero until matapos at tanggalin yung nakalagay sa akin, naka-smile sila at masaya and na-appreciate ko 'yon nang sobra.
“Di ko makakalimutan sa life ko dahil na-experience ko ang feeling na maging isang kapre. Parang totoo.”
Huwag palampasin ang Halloween episode ng bagong Wish Ko Lang na "Sanib" ngayong Sabado, alas-4 ng hapon sa GMA-7.
Vicky Morales, excited sa Halloween episode ng bagong 'Wish Ko Lang'
Manood ng 'Wish Ko Lang' at manalo ng gadgets at GMA Affrodabox!