What's Hot

Kristoffer Martin, Prince Clemente, Dionne Monsanto, at John Vic De Guzman, tampok sa Halloween Special ng 'Wish Ko Lang'

By Dianara Alegre
Published October 30, 2020 2:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

John Vic De Guzman Kristoffer Martin Dionne Monsanto at Prince Clemente


Mananakot, magpapakaba, at manggugulat sina Kristoffer Martin, Prince Clemente, Dionne Monsanto, at John Vic De Guzman sa Halloween Special ng 'Wish Ko Lang' ngayong Sabado, October 31.

Tampok sina Kapuso actors Kristoffer Martin, Prince Clemente, Dionne Monsanto, at John Vic De Guzman sa Halloween episode ng Wish Ko Lang ngayong Sabado, October 31.

Dito unang gumanap si John Vic bilang isang kapre. Bagamat physically challenging ang role ay na-enjoy naman daw niya ang show.

“Ang pinaka-hassle lang medyo makati lang pero tolerable naman siya. Hindi ka pwedeng humiga kasi kapag humiga ako 'yung make up sa may likod ko medyo natatanggal.

“'Yung ibang parts, parang naa-absorb siya ng skin ko, so, nagfe-fade. Kailangan patungan ulit siya ng makeup,” anang aktor nang makapanayam ng 24 Oras.

John Vic De Guzman

Source: johnvicdeguzman (IG)

Samantala, habang hindi pa umuuwi ng Olongapo para bisitahin ang COVID-free na niyang pamilya ay abala muna sa showbiz commitments si Kristoffer.

Ngayong weekend niya umano unang makikita ang mga ito mula nang tamaan at gumaling sa sakit.

“Ngayon na lang ulit ko sila makikita after siguro ng more than a month kasi simula nu'ng nag-positive sila, nagpapatagal pa. Kung hihintayin ko hanggang Sabado, mag-i-isang buwan,” aniya.

Kristoffer Martin

Source: kristoffermartin_ (IG)

Hataw naman sa kanyang career si Prince na sunud-sunod ang acting projects.

“Ngayon back on air na 'yung Descendants [of the Sun] tapos may bago naman akong show na The Lost Recipe naman for next year 'yan, January. So, sobrang overwhelmed na kahit nagkaroon ng pandemic, tuluy-tuloy pa rin 'yung work,” sabi niya.

Prince Clemente

Source: princeclemente18 (IG)

Pansamantala namang iiwanan muna ni Dionne ang showbiz dahil tutungo siya sa Switzerland para mag-settle down.

“May fiancé is actually there. My fiancé is half Filipino - half Swiss kasi and we decided it's better for us to settle there,” anang aktres.

Dionne Monsanto

Source: dionne (IG)

Kapag 'di naglo-load nang maayos ang video sa itaas, maaari itong mapanood DITO.