
Unti-unti nang sinisingil si Dulce (Carmina Villarroel) sa kasamaan niya sa pamilya Salvador.
Ngayon, makakatapat na niya muli ang asawa ni Victor (John Estrada) na si Christine (Tanya Garcia-Lapid) na inaakala niya na patay na
Paano haharapin ni Dulce ang patay na biglang nabuhay?
Marami naman ang pinuri ang naging acting ni Tanya Garcia-Lapid sa eksena nang magkaharap ang karakter niya at si Dulce.
Patok din ang linya niya na, “Why so scared Dulce?”
Sundan ang mga mangyayari sa finale week ng Babawiin Ko Ang Lahat, Monday- Friday, pagkatapos ng Karelasyon sa nangungunang GMA Afternoon Prime.
Bago ang pagtatapos ng afternoon drama, muling balikan ang naging lock-in taping experience ng cast sa gallery below: