
Hanggang saan aabot ang kasamaan ng mag-inang Dulce (Carmina Villarroel) at Trina (Liezel Lopez)?
Pipigilan nang dalawa si Christine (Tanya Garcia-Lapid) na sabihin kay Victor (John Estrada) ang katotohanan na planado ang nangyaring pag-kidnap kina Iris (Pauline Mendoza).
At para tuluyang hindi makapunta si Christine sa kanyang asawa nagawang saktan ni Dulce ito.
Ano ang magiging plano ng dalawa sa nanay ni Iris?
Hihingi ng tawad si Dulce kay Christine sa mga nagawa nito sa kanyang pamilya, pero hindi nito tatanggapin ng asawa ni Victor at magagawang makatakas.
Maabutan ito ni Dulce at muling hihilingin na pag-usapan ang mga natuklasan niya, ngunit dahil sa pagpupumiglas ni Christine isang trahedya ang mangyayari at mahuhulog ito sa isang ilog.
INSET: Bawi Inside
IAT: Babawiin Ko Ang Lahat episodes
Kabado ang mag-inang Dulce at Trina sa kinasangkutan nilang krimen.
Tuluyan na ba mawawala ang ebidensya na magtuturo na sila ang dahilan ng pagkahulog ni Christine sa ilog o mabubuko ang dalawa sa nakakakilabot na ginawa nila sa asawa ni Victor?
Sasabog na sa galit si Victor, bukod sa pagkawala ni Christine, ipinagdidiinan ng kapatid niya na si Menchie (Tanya Gomez) na may kinalaman ang kanyang first wife sa pagkawala nito.
Labis na mangungulila sina Victor at Iris sa pagkawala ni Christine.
Ano ang mangyayari sa mag-ama na wala na ang ilaw ng kanilang tahanan?
Sundan ang susunod na linggo at gumagandang kuwento ng Babawiin Ko Ang Lahat sa GMA Afternoon prime, pagkatapos ng Karelasyon.
For our Kapuso abroad, you can watch the latest episodes on GMA Pinoy TV! For more information, visit www.gmapinoytv.com.
Related content:
Five reasons why you need to watch 'Babawiin Ko Ang Lahat'