GMA Logo Suzie Entrata, Baby Dolls, Shaira Diaz
Photo by: Unang.Hirit (FB)
What's Hot

Baby Dolls, gusto maka-collab si Dingdong Dantes

By Kristine Kang
Published July 2, 2026 10:43 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Thousands join Apung Iru fluvial festival in Pampanga
NCRPO remains on full alert amid Iglesia Ni Cristo rally at Liwasang Bonifacio
Mga kasabihan ni Tiyang Susan! | Farm To Table

Article Inside Page


Showbiz News

Suzie Entrata, Baby Dolls, Shaira Diaz


Bukod kay Dingdong Dantes, labis din ang paghanga ng Baby Dolls sa girl group na SexBomb Girls!

Napa-"Oohh Lala" sa giling na rin ang Unang Hirit barkada kasama ang It's Showtime girl group na Baby Dolls!

Nitong Huwebes (July 2), bumisita ang viral group sa morning show para sa isang masayang kuwentuhan at sayawan.

Ibinahagi ng Baby Dolls ang kanilang pasasalamat sa mainit na suportang natatanggap nila mula sa fans, gayundin sa mga celebrity na nakisabak sa "Oohh Lala Baby" dance challenge online.

Kabilang sa mga sumali sina Vice Ganda, Anne Curtis, Sofia Pablo, Caprice Cayetano, at ang Born to Shine girl group na Yumi.

Nang tanungin kung sino pa ang nais nilang makasama sa dance challenge, iisa ang hiling ng grupo.

"Ito po ay talagang pinapangarap namin na maka-collab. Sir Dingdong Dantes!," ani Juby.

"Name-mention po siya at nagvi-viral po siya sa mga post po namin kasi nga doon sa 'Dong, digi, digi, digi, dong. Digi, digi, ding-dong.' Tsaka ginawa na rin po siya ni Ms. Marian Rivera po."

Bukod sa kanilang hit remake song, marami ring netizens ang humahanga sa Baby Dolls at ikinukumpara sila sa well-loved girl group na SexBomb Girls.

"Isang karangalan po ang maihalintulad sa SexBomb. Pero nilo-look up din po kasi namin sila. Sila po talaga ang inspiration ng group namin. Siyempre, sila pa rin po ang OG reyna ng dancers," sabi ni Arianne.

Nabuo ang Baby Dolls sa fun noontime program na It's Showtime, kung saan isa sa mga nagpangalan sa kanilang grupo ang Unkabogable Star na si Vice Ganda.

Ang kanilang hit na "Oohh Lala Baby" ay remake ng kantang "Da Vhong" ni Vhong Navarro. Naging viral ang kanilang dance challenge dahil sa iconic nilang kembot steps.

Samantala, patuloy na mapapanood ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.

Kilalanin ang iba pang trending at well-loved P-pop groups sa gallery na ito: