
May nakikitang "baby coming" ang celebrity psychic at tarot reader na si Jovi Vargas sa 'Whispers From Heaven' star na si Bea Alonzo.
Sa 'Kapuso Mo, Jessica Soho,' ibinahagi ni Jovi ang tarot reading para sa bagong kasal na sina Bea Alonzo at Vincent Co.
"Si Bea, magkakaroon lang ng kaunting problema pa sa takbo ng relationship nila kahit na medyo kinasal na sila," sabi ni Jovi.
"Maayos naman. Mukhang okay naman sila. At may nakikita akong baby coming," dagdag niya.
May tarot reading din si Jovi para sa Kapuso power couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.
"Ito 'yung card ni Marian, pero ingat lang ah. May nakikita akong isang parang health issue na sa side of the guy," ani Jovi.
Pagpapatuloy niya, "Okay sa akin ang baraha ni Marian and Dingdong kasi both ay lucky. The same time talaga, habang buhay magtatagal talaga."
Paglilinaw naman ni Jovi na hindi lahat ng hula ay nangyayari. Aniya, "Hindi lahat ng hula nangyayari. Salamat kung naganap at nakatulong ako."Samantala, ilang araw matapos ang kasal ni Bea Alonzo sa business tycoon na si Vincent Co ay naging usap-usapan din ang 2021 tarot reading ni Bea sa psychic counselor na si Niki Vizcarra, dahil tila nagkatotoo ang nabasa nito tungkol sa marriage ng aktres.
Tulad na lamang nang sabihin nito na civil wedding ang first marriage ni Bea. Aniya, "Civil 'yung una, eh. Hindi ka church una. Pero medyo hidden lang. Either seven months from now, or seven years from now.
"Pero bongga naman ang magiging marriage and married life mo after. Kasi if you'll be married now, may chances na mag-separate kasi. Mature na kasi siya. Ang love niya is true."
RELATED CONTENT: Bea Alonzo and Vincent Co's low-key wedding wins hearts