
Idinaan ni baby Tali Sotto ang kanyang Mother's Day greeting para sa lahat ng mga ina sa pamamagitan ng isang kanta.
Ibinahagi ni Pauleen Luna ang video ni baby Tali sa kanyang Instagram. Ito raw ang greeting ng kanyang anak para sa lahat ng mga ina para sa Mother's Day kahapon.
Mapapanood sa video ang paulit-ulit na pagbigkas ni baby Tali ng “Happy Mother's Day” hanggang sa kantahin niya ito sa tono ng kantang “Happy Birthday.”
Binati rin niya ng “Happy Mother's Day” ang kanyang amang si Vic Sotto.
Panoorin:
Samantala, nagpapasalamat naman si Pauleen sa pagiging isang ina kay baby Tali.
Aniya, “What a miracle! Thank you, Lord for the awesome gift of motherhood!”
Si baby Tali ay ipinanganak noong November 6, 2017.
WATCH: Baby Tali, pininturahan ang mukha ni Pauleen Luna
WATCH: Baby Tali joins Pauleen Luna in TikTok video
LOOK: Baby Tali, nag-camping sa loob ng bahay