
Sa unang linggo ng Backstreet Rookie, ipinakita ang unang pagtatagpo nina Darrel (Ji Chang-wook) at Arriane (Kim You-jung) sa isang eskinita matapos utusan ng dalaga ang una na bumili ng sigarilyo. Sa halip na sumunod, binigyan ni Darrel si Arriane at ang mga kaibigan nito ng candy at pinagsabihan.
Dahil dito, lumapit at biglang hinalikan ni Arriane si Darrel bilang pasasalamat sa pag-aalala nito sa kaniya.
Makalipas ang ilang taon, nag-apply si Arriane bilang part-time worker sa convenience store ni Darrel at naaalala ng huli ang kanilang nakaraang pagtatagpo.
Labis na nagulat si Darrel nang makita na maraming customers ang kaniyang convenience store dahil kay Arriane.
Nasaktan naman ang dalaga matapos siyang mapagbintangan ni Darrel na nagnakaw ng pera sa kaniyang negosyo. Sa pag-alis ni Darrel, sinama ni Arriane ang kaniyang mga kaibigan sa convenience store at nag-inuman sa labas.
Dahil sa kalasingan, ibang pangalan ang nasabi ni Darrel nang pasalamatan niya si Arriane dahil sa pagtulong nito sa kaniya.
Hindi naman natiis ng nobya ni Darrel na si Aubrey (Han Sun-hwa) na pumunta sa convenience store ng una upang makita ang bagong part-time employee nito.
Samantala, binilhan ni Darrel ang ama ni Aubrey ng mamahaling regalo para sa kaarawan nito ngunit hindi niya ito mabibigay dahil hindi natuloy ang kanilang pagkikita.
Balikan ang mga eksena sa Backstreet Rookie dito.
Backstreet Rookie: Arriane and Darrel's first meeting
Backstreet Rookie: Arriane's revenge to Darrel
Backstreet Rookie: Arriane's feelings were revealed!
Backstreet Rookie: Darrel's special gift for Aubrey's dad
Samantala, kilalanin pa si Ji Chang-wook sa gallery na ito.