
Ngayong Pebrero, mapapanood na ang Korean romantic-comedy series na Backstreet Rookie sa GMA-7.
Pinagbibidahan ito nina Kim You-jung (Arriane), Do Sang-woo (Aldrin), Han Sun-hwa (Aubrey), at Ji Chang-wook (Darrel).
Matapos magpasya ni Darrel (Ji Chang-wook) na akuin ang nagawang pagkakamali ng kaniyang nobya na si Aubrey (Han Sun-hwa), nagpokus siya sa kaniyang convenience store ngunit nahirapan siyang palaguin ito.
Nang malaman ni Arriane (Kim You-jung) na nangangailangan si Darrel ng empleyado sa kaniyang convenience store, pumasok ito bilang isang part-time worker. Matagal na rin mayroong pagtingin si Arriane kay Darrel dahil sa kanilang mga nakaraang pagtatagpo.
Lingid sa kaalaman ni Arriane, mayroon nang girlfriend si Darrel. Sa kabila nito, hindi sumuko si Arriane at patuloy na tinulungan si Darrel sa pagpapalago ng kanyang convenience store.
Dahil dito, tila nakaramdam ng inggit si Aubrey kay Arriane, idagdag pa ang pagiging maganda at malapit nito sa kaniyang nobyo.
May pag-asa kayang may mabuong pagmamahalan kina Arriane at Darrel? O mas mangingibabaw ang pag-ibig ni Darrel kay Aubrey?
Huwag palampasin ang premiere ng Backstreet Rookie ngayong February 28, 11:30 a.m., sa GMA bago ang Eat Bulaga.
Samantala, muling alamin ang top Korean entertainment stories noong nakaraang taon sa gallery na ito.