GMA Logo Badjao Girl Rita Gaviola
Courtesy: itsritagaviola (IG)
Celebrity Life

'Badjao Girl' Rita Gaviola, may babala sa bashers ng kanyang anak

By EJ Chua
Published August 11, 2022 3:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Chile votes in presidential race expected to lurch country to the right
Visually impaired soldier promoted from captain to major
Farm to Table: (December 14, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Badjao Girl Rita Gaviola


Rita Gaviola: “Basta wag n'yo lang idamay ang anak ko, tatanggapin ko lahat ng masasakit…”

Matapos kumpirmahin ni Rita Gaviola a.k.a 'Badjao Girl' na isa na siyang ina, inilahad niya ang mga salitang gusto niyang iparating sa mga taong may negatibong komento tungkol sa nangyari sa kaniya.

Sa latest post ni Rita sa Instagram, ibinahagi niya ang mga larawan ng kaniyang anak kakabit ang seryosong mensahe para sa kaniyang bashers.

Ayon sa kaniyang caption, “Sabihan n'yo lang ako ng masasakit na salita, kahit laitin n'yo ako okay lang sa akin. Basta wag n'yo lang idamay ang anak ko, tatanggapin ko lahat ng masasakit 'wag lang anak ko.”

Isang post na ibinahagi ni Rita Gaviola (@itsritagaviola)

Sa isa pang Instagram post, una nang ipinahayag ni Rita ang kaniyang saloobin sa mga taong aniya ay nadismaya sa kaniya.

Pagbabahagi niya, "Sa mga na-disappoint or madami pang sasabihin sa akin, buhay ko 'yung tinatahak ko at saka marami pa akong kayang gawin. Maraming salamat po sa mga sumusuporta. Kasama na namin si baby Kia sa susunod na mga vlog namin."

Isang post na ibinahagi ni Rita Gaviola (@itsritagaviola)

Sa kabila ng pangungutya na natanggap ni Rita kasunod ng rebelasyon na isa na siyang ganap na ina, mayroon namang netizens na patuloy pa ring sumusuporta sa kaniya.

Sa katunayan, ang ilan ay humanga pa sa kaniya dahil hindi raw nito ipinagpalit ang kaniyang anak para lang sa kasikatan.

Matatandaang unang nakilala si Rita bilang 'Badjao Girl' matapos mag-viral ang kaniyang mga naggagandahang larawan sa social media.

Noong nakaraang taon, inihayag ni Rita na isa kanyang mga plano ay ang makasali sa Miss Universe Philippines.

SAMANTALA, SILIPIN ANG STUNNING PHOTOS NI RITA GAVIOLA SA GALLERY SA IBABA: