
Ibinahagi ni Pauleen Luna ang regalong ipinamana ni Baeby Baste sa kanyang anak na si baby Tali.
Ipinakita ni Pauleen sa pamamagitan ng kanyang Instagram Story ang mala-work-from-home (WFH) setup ng kanyang unica hija.
Tila busy rin si Baby Tali dahil nakikita rin niya ang work-from-home arrangement ng kanyang mga magulang para sa Eat Bulaga.
Sa kanyang litrato, makikita ang toy laptop ni baby Tali na ipinamana sa kanya ni Bae-by Baste.
Sambit ni Pauleen tungkol dito, “WFH. This is Baste's laptop btw (by the way) passed on to Tali. We miss you Kuya @iambaebybaste.”
Ang bait talaga na kuya ng pinakabatang dabarkads!
IN PHOTOS: Reasons why we think Bae-by Baste is a great kuya!