
Tuloy-tuloy lang ang pagbibigay ng saya ng paboritong game show sa buong mundo, ang Family Feud, kasama ang game master na si Dingdong Dantes.
Simula ngayong Lunes, April 29, mapapanood na sa nasabing programa ang bagong segment na “Let's Play Family Feud.”
Hindi na lamang kasi studio players at studio audience ang makaka-experience ng saya ng panghuhula ng top survey answers dahil may iikot na rin na “Let's Play Family Feud” booth sa iba't ibang barangay sa Metro Manila.
Sa nasabing booth, lahat ay puwedeng pumasok at sumagot ng survey questions sa harap ng camera. Ang pinakakuwelang mga sagot ay iko-compile at ipalalabas sa Family Feud simula sa Lunes.
Samantala, pagdating sa May 1, may papiyestang handog rin ang Family Feud dahil sa star-studded episodes kasama ang cast members ng Abot-Kamay Na Pangarap, Voltes V: Legacy, Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis, All-Out Sundays, Sparkle 10 members, Miss Universe Philippines titlists, Miss Universe 2023 R'Bonney Gabriel, StarStruck alumni, SexBomb dancers, Viva Hot Babes, at ilan sa hosts ng flagship morning show ng GMA na Unang Hirit.
Patuloy lang manood ng Family Feud, 5:40 p.m. bago mag-24 Oras sa GMA 7. Puwede rin itong mapanood sa official Family Feud Facebook page at may livestreaming worldwide via the official YouTube channel ng Family Feud at Kapuso Stream.