GMA Logo Teddy Corpuz
Photo by: Michael Paunlagui (GMANetwork.com)
What's Hot

Bahay ni 'It's Showtime' host Teddy Corpuz, ninakawan!

By Kristine Kang
Published May 8, 2026 10:35 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: May 8, 2026
Old woman in Benguet killed, buried allegedly by own son
Jennylyn Mercado shares why a fresh-smelling home matters to her

Article Inside Page


Showbiz News

Teddy Corpuz


Sa halagang mahigit na PhP 90,000 ng mga natangay na gamit, naibalik kay Teddy Corpuz ang ninakaw na tablet.

Patuloy na tinutugis ngayon ang suspek sa likod ng pagpasok at pagnanakaw sa bahay ng It's Showtime host na si Teddy Corpuz.

Sa "Unang Balita," ipinakita ang CCTV na nakitang pumasok ang isang lalaki sa second-floor balcony ng bahay ni Teddy. Pumasok ito sa bintana at binuksan ang pinto, at saka hinalughog ang mga gamit sa loob.

Ayon sa report ng pulisya, kabilang sa mga natangay ay pera, alahas, at tablet na naghahalaga ng PhP 90,000. Nang nangyari ang nakawan, natutulog daw sina Teddy at ang kanyang pamilya sa ikatlong palapag ng bahay.

Tukoy na rin daw ng awtoridad ang lalaking nanloob na humaharap sa reklamong robbery.

Samantala, may update ang host sa natangay niyang tablet kung saan ibinalik ito umano ng kapatid ng suspek.

Sa isang Facebook post, mas ikinuwento ni Teddy ang mga nangyari pagkatapos ng nakawan sa kanyang bahay.

"Kaninang umaga, bandang 4:30 ng umaga, pumunta 'yung mga barangay sa bahay namin. In-inform nila kami na sinurender ng kapatid nung magnanakaw 'yung [tablet] na nakuha sa atin," aniya.

"Tinawagan ng magnanakaw 'yung kapatid niya tapos sinabi kung saan tinago 'yung [tablet], so nakuha natin 'yung [tablet] kaninang umaga. Maraming salamat!"

Labis ang pasasalamat ni Teddy sa kapatid at barangay officials. Nag-abot din ng pasasalamat ang singer-host sa mga netizen na tumutulong sa paghahanap sa magnanakaw.

"Sana mahuli 'yung magnanakaw, and sana maging vigilante pa rin tayo. God bless sa inyo. Thank you, thank you so much, "dagdag niya.

Samantala, tingnan dito ang iba pang celebrities na ninakawan noon: