GMA Logo Marian Rivera in cinemalaya film Balota
source: marianrivera/IG
What's Hot

Bakit tinanggap ni Marian Rivera ang movie project na 'Balota'?

By Kristian Eric Javier
Published June 27, 2024 2:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Most parts of PH to see cloudy skies, rain due to 3 weather systems
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Marian Rivera in cinemalaya film Balota


Alamin kung bakit tinanggap ni Marian Rivera ang lead role ng Cinemalaya film na 'Balota.'

Excited na hindi lang ang mga manonood, kundi maging ang Kapuso Primetime Queen at My Guardian Alien lead star na si Marian Rivera para sa kaniyang kauna-unahang Cinemalaya film na Balota.

Sa panayam niya sa online entertainment show na Marites University, ikinuwento ni Marian na isa sa mga dahilan kung bakit niya tinanggap ang proyekto ay dahil maganda ang kuwento. At ang isa pa, ay dahil naman sa direktor nitong si Direk Kip Oebanda.

“Bago ko din talaga tanggapin ito, nag one-on-one kami ni Direk. Tanong ko kasi sa kaniya; 'Saan nanggaling itong kuwento na ito? Bakit mo naisulat ito? Bakit ako ang gusto mong gumanap nito?' Du'n palang sa mga tanong ko na 'yun, nasagot niya nang tama nu'ng araw na 'yun, wala akong dahilan para mag say-no,” sabi niya.

Tumanggi magbigay ng detalye si Marian Rivera sa sinabi ni Direk Kip kung bakit siya ang napili nito bilang lead ng pelikula. Pero isa umano sa mga sinabi ng direktor ay dahil “hindi kasi puwede 'yung teacher na mahinhin, na hindi palaban, pero gusto ng tao.

“So 'yung mga characteristic na 'yun na parang may mga fight scene, ang dami kong fight scene kasi dito, e. So kung umaarte ka lang at hindi ka marunong mag-fight, parang kita kasi siya on-screen so gusto niya na fight talaga, harsh kung harsh talaga,” sabi niya.

BALIKAN ANG CAST NG 'BALOTA' SA KANILANG STORY CONFERENCE SA GALLERY NA ITO:


Ang karakter ni Marian Rivera sa Balota ay isang teacher na nag-volunteer para mapangalagaan ang mga balota ng taumbayan. Dagdag pa niya ay may dignidad at prinsipyo rin ang kaniyang karakter.

Ayon sa My Guardian Alien star, wala umano silang pinanggayahan sa karakter at sinabing nag-usap lang sila ni Director Kip kung paano nila ito huhubugin.

“Kung saan siya nanggaling, ano ang flashback niya, anong pinanggalingan niya, ano'ng 'pamilya meron siya. Kasi may anak ako diyan. Medyo may talandi siya ng konti diyan. Walang asawa,” sabi niya.

Samantala, excited na rin umano ang asawa niyang si Dingdong Dantes para sa pelikula. Pero ayon kay Marian ay natakot ito para sa kaniya.

Pag-alala ni Marian sa bilin ng kaniyang asawa, “Bibilinan kita, 'pag may mga eksena na alanganin, 'wag mong gagawin. Kilala kita, hindi ka magpapa-double.”

Sagot ni Marian, “'Hindi, kaya ko!' Bawat uwi ko may pasa ako, may sugat.”

Kuwento ng aktres matapos magkapasa-pasa at sugat, tinanong na siya ni Dingdong kung magpapa-double na siya. Ngunit ang sagot niya, “Hindi.”

Kaya ang sagot umano ng Primetime King, “O, tingnan natin ano'ng iuuwi mo mamayang gabi.”

Paliwanag naman ni Marian kung bakit hindi siya nagpapa-double ay dahil baka pagsisihan niya kung hindi niya ibibigay ang 100 percent niya sa pelikula.

Sabi pa niya umano kay Dingdong, “'Itong mga sugat na ito, itong mga pasa na ito, maghi-heal naman 'yan e.'”

Samantala, sinadya rin ni Marian na ilihim ang ibang detalye ng pelikula mula kay Dingdong para ma-sorpresa niya ang kanyang asawa kapag napanood na niya ito. Aniya, “Gusto ko mapanood niya, actually, konting picture lang 'yung pinapakita ko, hindi ko pinapakita lahat kasi gusto ko makita 'yung reaksyon, gusto ko siyang makita kung ano 'yung mga reaksyon niya."