
Dinaan sa tawa ng comedienne at Youtube star Alex Gonzaga ang natanggap na proposal mula sa South Korea kung saan inalok siya ng isang medical plastic surgery agent na makipag-collaborate.
Sa Instagram story ng kapatid ni Toni Gonzaga, makikita ang ilang bahagi ng email na natanggap nito.
Nakasaad dito na walang 'surgery' involved ang naturang project kung sakaling matutuloy.
Nag-react naman si Alex at sinabing, “Nakaka-hurt!! Hahahaha Why would you think I need pne! Hanggang sa Korea nakarating to!?” kasunod ang isang funny emoji.
Isa sa mga pinakasikat na Youtube creator si Alex Gonzaga na may mahigit sa 3.8 million subscriber sa video-sharing site.