
Kahapon, April 28, ay ipinagdiwang nina celebrity couple Lucy Torres at Ormoc City Mayor Richard Gomez ang kanilang 22nd wedding anniversary sa pamamagitan ng pagtatanim ng Dita tree.
Bukod dito, nag-post din si Lucy ng mga video mula sa kanilang kasal dalawang dekada na ang nakararaan.
Aniya, “Thank you for 22, my Richard Gomez. You enter a room and you just bring the sunshine in. With you, everything is just better. Know that you are my love song, every bit of that magic I ever believed in.”
Pero paano nga ba nagkakilala at nagsimula ang relasyon ng popular couple?
Sa mismong araw ng anniversary nila ay ibinahagi rin ni Lucy sa kanyang Instagram Story kung paano nagsimula ang kanilang love story.
Nagkakilala sila sa isang TV commercial para sa isang brand ng shampoo noong 1993. Siya at si Richard ang tampok sa pataslastas.
Naging iconic ang naturang Lux shampoo commercial dahil sa taglay niyang ganda bukod pa sa katambal niya ang '90s real-life ng crush niya.
READ: Lucy Torres shares lovely story about Richard Gomez
Taong 1998 nang magpakasal sina Lucy at Richard.
Isinilang naman ang kanilang unica hija na si Juliana Gomez noong 2000.
Who would have thought these two would end up together?