What's Hot

BALIKAN: Mga groundbreaking teleserye ng GMA na inyong minahal

By Aaron Brennt Eusebio
Published June 5, 2020 5:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Nationwide Simultaneous Earthquake Drill 2026 to be held on June 18 —OCD
Teacher in Bacolod killed; mauled, forced to drink acid
Non-resident Filipinos (NRFs) from 30 countries to converge at the 2026 Filipino Diaspora Summit

Article Inside Page


Showbiz News

Ken Chan in My Special Tatay


Sa pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng GMA, balikan ang ilang groundbreaking shows ng Kapuso network na minahal ng mga manood.

Sa 70 taon ng GMA Network, maraming kuwento na ang naipalabas na tumatalakay sa iba't ibang tema.

Isa na rito ang epicserye na Amaya, na pinagbidahan ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera. Umiikot ang kuwento nito kay Amaya na isang “binukot,” ang tinatagong prinsesa na hindi puwedeng umapak sa lupa.

Sa katunayan, pinayuhan ng National Historical Commission of the Philippines at Department of Education ang mga mag-aaral na panoorin ang Amaya dahil sa istorya nito.

GMA historical period dramas you can binge-watch online

Isa rin sa groundbreaking dramas ng GMA Network ang My Husband's Lover na pinagbidahan nina Tom Rodriguez at Dennis Trillo na nakilala bilang TomDen.

Tinalakay sa My Husband's Lover ang istorya ng mag-asawang Vincent (Tom Rodriguez) at Lally (Carla Abellana), at kung paano makakaapekto sa kanilang pagsasama ang dating karelasyon ni Vincent na si Eric (Dennis Trillo).

Hindi rin malilimutan ang pagganap ni Ken Chan bilang si Boyet na mayroong intellectual disability sa My Special Tatay. Dito rin sumikat ang tambala nila ni Rita Daniela na gumanap bilang Aubrey.

Bukod riyan, may iba pang groundbreaking teleserye ang umere sa GMA.

Balikan ang mga iyan sa videong ito

Iconic GMA teleseryes you can binge-watch online