GMA Logo Bont Bryan Oropel and Baninay Bautista
What's Hot

Baninay Bautista at vlogger na si Bont Bryan Oropel, nagkabalikan na

By Aedrianne Acar
Published March 6, 2021 1:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Still no buyer of Discaya’s Rolls-Royce with free umbrella at Customs 2nd auction
A for A On Playlist
Nearly P20M alleged smuggled cigarettes, shabu seized in Sultan Kudarat

Article Inside Page


Showbiz News

Bont Bryan Oropel and Baninay Bautista


Bont Bryan Oropel: “Ang sarap sa feeling na aking na uli siya yun, na kami na uli."

Pagkadaan ng isang buwan matapos kumpirmahin ng dating reality TV contestant at vlogger na si Baninay Bautista na hiwalay na siya sa kanyang boyfriend of two years na si “Master Hokage” Bont Bryan Oropel, masaya naman inanunsyo ni Bont sa kanyang vlog noong March 4 na sila na uli ni Baninay.

Photo taken from Bont Bryan Oropel's Instagram account

Matatandaan na umiiyak na ibinahagi ni Baninay sa kanyang February 2 vlog na wala na sila ni Bont.

Pag-amin niya, "Wala na kami ni Bont.

“Halos magtu-two years na kami. [Ang] haba na ng pinagsamahan namin.

"Siya 'yung lalaki na pangarap ko. Alam mo 'yun, wala akong reklamo sa ugali niya, sobrang bait niya sa akin, sobrang mahal na mahal niya ako.”

Pero tila meant for each other silang dalawa, dahil gumawa ng paraan si Bont na muling maayos ang kanilang relasyon.

Sa vlog, inaddress muna ng YouTuber ang mga nagtatanong sa kanya kung kasama ba niya si Baninay sa Boracay.

Paliwanag niya, “Sobrang dami nagtatanong, sobrang dami nagme-message sa amin kung kami na ba uli ni Baninay.

“Actually ngayon, nandito ako sa Boracay nakasama ko si Baninay--kung nakita n'yo naman sa Story at ang dami-daming message ng message sa akin--kasama mo ba si Baninay ganun”

“Nakikita nila naman sa story na kasama ko si Baninay, ang hirapa naman din magtago.

“Actually kasi, magkahiwalay na kami ni Baninay, naging open book na 'yung relationship namin sa inyo sa public. So ngayon, gusto ko rin i-share sa inyo kung paano kami naging okey.”

Mahirap din daw ang naging sitwasyon nila ng girlfriend matapos maghiwalay, dahil mayroon silang mga negosyo.

Dagdag pa ng vlogger na alam niya sa sarili niya na may chance pa silang dalawa na magkaayos.

“After nung birthday namin nagkahiwalay na din kami, kasi nga nagkaroon kami ng isyu tapos hanggang one-month na kami magkahiwalay.

"Ang hirap kasi sa business lang kami nag-uusap, pero dahil nga may travel kami na naka-book na dito sa Boracay ngayon, bukod dito may naka-book pa kami sa Palawan.

“Ang awkward lang kasi kung paano ko siya makakasama ng ganun 'yung sitwasyon namin--mahal ko pa rin naman siya at alam ko naman na baka may chance pa sa aming dalawa.”

Dito naisip ni Bont na i-surprise si Baninay ilang araw bago ang flight nila at masarap daw sa pakiramdam na naayos nila ang gusot sa kanilang relasyon.

Wika niya, “Gumawa ako ng way two days bago 'yung flight namin dito, sinurprise ko si Baninay. Masaya ako kasi ganun 'yung nangyari.”

“Ang sarap lang sa feeling na aking na uli siya yun, na kami na uli”

Muling balikan ang ibang celebrity couples na nagkahiwalay noon, pero nagkabalikan uli ngayon sa gallery below.