GMA Logo YouTuber Baninay Bautista
What's Hot

Baninay Bautista, sinabing wala siyang intensyong magsinungaling sa kanyang vlog

By Aedrianne Acar
Published November 30, 2025 8:01 AM PHT
Updated August 20, 2020 10:40 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

YouTuber Baninay Bautista


“This is one of the main reasons why we delayed the upload of our videos. We waited until everything went well." - Baninay Bautista

Matapos umamin ang vlogger na si Baninay Bautista sa kanyang vlog na nagpositibo siya sa COVID-19, umani ito ng samu't saring reaksyon.

Tila nakalito sa netizens kung kakakumpirma pa lang na positibo siya sa virus o dati pang kuha ang naturang video at ngayon pa lang niya in-upload.

Binigyang linaw ni Baninay sa kanyang Instagram Story ang ilang detalye tungkol sa kanyang vlog lalo na sa bahagi kung kailan talaga siya tinamaan ng sakit.

Mababasa sa statement ng YouTuber na nakatanggap siya ng masasakit na salita at binigyang diin nito na ang hangad niya ay makapagbigay ng “awareness” tungkol sa COVID-19.

“We've been through enough discrimination since this all started and nobody has the right to call me “***” or “hayup.”

“I never lied. I didn't post this for the clout, I filmed my vlog for awareness and for everyone to understand what's really happening.”

Sa isang Tweet kahapon August 19, sinabi niya na kaya raw niya dinelay ang pag-upload ng naturang vlog ay dahil sa “diskriminasyon” na nararanasan ng mga COVID-19 survivors.

“This is one of the main reasons why we delayed the upload of our videos. We waited until everything went well.

“Thank you for all the love & prayers, stay safe everyone.”

Sa YouTube channel naman ni Bont Bryan Oropel a.k.a “Master Hokage,” ibinahagi ng boyfriend ni Baninay sa kanyang mahigit 1.4 million subscribers ang sarili niyang COVID-19 journey at ang nakapanlulumong sinapit ng kanyang ama na pumanaw bago nila ito naipasok sa ospital.

TINGNAN: Mga naipundar ng sikat na vloggers at social media stars