GMA Logo Barangay Love Stories t card
Source: GMA Network
What's Hot

'Barangay Love Stories,' mapapanood na sa GMA simula ngayong September

By Karen Juliane Crucillo
Published August 7, 2026 6:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Lacson calls for end to 'impunity' over Laguna Lake reclamation in Taguig
4 reported dead as cyclones, monsoon batter Philippines
On the Spot: A rundown of Philippine travel news of 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Barangay Love Stories t card


Mapapanood na sa telebisyon ang 'Barangay Love Stories' sa GMA simula ngayong September.

Mas marami nang dahilan para kiligin at maantig ang damdamin ng mga manonood ngayong September.

Ang mga kuwentong minahal ng maraming Pilipino sa radyo ay mapapanood na rin sa telebisyon dahil darating na sa GMA ang Barangay Love Stories.

Sa pangunguna ng radio host at Pambansang Storyteller na si Papa Dudut, bibigyang-buhay ng mga naglalakihang bituin mula sa loob at labas ng Kapuso network ang iba't ibang kuwento ng pag-ibig na hango sa tunay na karanasan ng mga Pilipino.

Mula sa mga nakakakilig na kuwento hanggang sa mga pag-iibigang puno ng pagsubok, sakripisyo, at pag-asa, muling magbibigay-inspirasyon ang sikat na radio drama anthology sa mga tagapakinig at manonood.

Noong 2025, pinarangalan ang Barangay Love Stories ng Spotify Creator Milestone Award matapos lumampas sa 100 million streams ang podcast nito sa Spotify Philippines.

Bukod dito, nananatili rin itong isa sa mga pinaka-followed podcasts sa bansa, na may mahigit 1.7 million followers.

Abangan ang Barangay Love Stories sa GMA simula ngayong September!

RELATED GALLERY: Barangay Love Stories receives special recognition from Spotify