
Nakabibinging hiyawan mula sa fans ang sumalubong kina Barbie Forteza at David Licauco sa thanksgiving event na ginanap ngayong hapon, February 26, sa isang mall sa Quezon City.
Daaa-daang supporters ang dumalo para masilayan nang personal ang tambalan nina Barbie at David, na sumikat mula sa hit historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra.
Naghatid din ng matinding kilig sa fans ang ginawang sorpresa ni David kay Barbie habang nagpe-perform ito ng song number.
Narito ang ilang pang kilig photos nina Barbie at David na kuha mula sa event:
Bagamat tapos na ang Maria Clara at Ibarra, tila patuloy pa ring mapapanood nang magkasama sina Barbie at David sa mga susunod nilang proyekto.
Sa katunayan, nagkaroon na ng unang pasilip sa pagsasama nila sa weekly fantasy anthology na Daig Kayo ng Lola Ko.
Sa isang panayam, sinabi rin ni David na makakasama niya si Barbie sa isang pang teleserye at posible rin sa isang pelikula.
“I think I'm doing teleserye again with Barbie. I trust my manager and GMA. I'm just an actor. Mayroon din kaming movies na gagawin ni Barbie Forteza,” aniya.
HABANG HINIHINTAY ANG MGA ITO, TINGNAN ANG MGA LARAWANG NAGPAPATUNAY NG ON-SCREEN CHEMISTRY NINA BARBIE AT DAVID DITO: