
Gaya ng maraming FiLay fans, curious din ang Kapuso love team na sina Barbie Forteza at David Licauco sa kung ano pa ang puwedeng mangyari sa mga karakter nilang sina Klay at Fidel sa historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra.
Sa isang video ng Mega Entertainment, tinanong sina Barbie at David sa dream project o roles na gusto nilang gawin together.
Unang sumagot si David. Aniya, “Ako 'yung ano Maria Clara at Ibarra [Fidel and Klay] continuation.”
Paliwanag niya, “Big impact 'yung Maria Clara at Ibarra e, siyempre for the fans na rin and for me personally. Gusto ko 'yun kasi 'yun ang pinaka-na-enjoy ko na gawin. I mean, na-enjoy ko naman lahat pero 'yun 'yung pinaka.”
Sumang-ayon naman dito si Barbie at sinabing, “Tsaka lahat naman tayo. Honestly, ako naging fan din naman talaga ako ni Klay and ni Fidel. I've always wondered paano sila mag-e-end up.
“Ang daming tanong so gusto ko rin sanang malaman 'yun,” dagdag ni Barbie.
Matatandaan na sa nasabing serye nagsimulang mabuo ang tambalan nina BarDa nina Barbie at David na isa sa itinuturing na hottest love teams ngayon.
RELATED GALLERY: Why David Licauco and Barbie Forteza's 'FiLay' is the loveteam to watch
Bukod dito, ang Maria Clara at Ibarra rin ang most-viewed program ng Netflix Philippines base sa engagement report ng Netflix simula January hanggang June 2023, kung saan akakuha ang programa ng mahigit 22 million engagement hours.
Samantala, bago pa magkaroon ng continuation ang kuwento nina Fidel at Klay, mapapanood naman sina Barbie at David sa bagong historical-action drama ng GMA sa 2024 na Pulang Araw. Dito ay gaganap si Barbie bilang isang Vaudeville star, habang isang Hapones naman ni David. Ang setting ng naturang serye ay ang panahon ng Japanese occupation sa Pilipinas.
Para sa iba pang showbiz updates, bisitahin ang GMANetwork.com.