GMA Logo Barbie Forteza and David Licauco
Sources: barbaraforteza/IG and davidlicauco/IG
What's on TV

Barbie Forteza at David Licauco, ibinahagi ang most challenging parts ng kanilang roles sa 'Maging Sino Ka Man'

By Kristian Eric Javier
Published September 7, 2023 3:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Barbie Forteza and David Licauco


Alamin kung paano pinaghandaan nina Barbie Forteza at David Licauco ang challenges sa kanilang roles.

Sa nalalapit na premiere ng action-drama series na Maging Sino Ka Man, ibinahagi ng mga aktor nitong sina Barbie Forteza at David Licauco kung ano ang pinaka-challenging sa kanilang mga roles.

Sa interview ng dalawa sa Balita Ko, ibinahagi nila ang pinaka-challenging na bagahi ng kanilang mga roles at kung paano nila pinaghandaan ito.

Ayon kay Barbie, na gumaganap sa dual roles na sina Monique at Dino, ang isa sa pinaka-challenging para sa kanya ay ang pagganap sa mga roles niya, na talaga namang pinaghandaan din ng dalaga.

“Dahil dalawa ang characters natin, kailangan lagi tayong ready, lagi tayong healthy, para lagi tayong prepared sa kahit na anong character,” ayon pa kay Barbie.

Ibinahagi rin ng Kapuso Primetime Princess ang naging preparation niya sa kanyang dual roles.

“Siguro ang pinakamalaking preparation ko dahil dalawa po 'yung characters ko, ay tatagan talaga 'yung loob ko at pangalagaan ang aking kalusugan dahil sa wheather din natin, medyo madalas din tayo nagkakasakit,” sabi nito.

Samantala, aminado si David, na gumaganap bilang si Carding, na na-challenge siya sa pananalita ng kanyang karakter.

“Kasi iba magsalita si David atsaka si Carding e. Si Carding, medyo matigas, so ayun 'yung mga preparations ko,” sabi ng aktor.

Ngunit ayon sa Pambansang Ginoo ay unti-unti na siyang nag-i-improve.

“Pero ngayon, actually nag-i-improve na ako kung paano magsalita si Carding, even in real life, parang medyo ganun na rin ako,” aniya.

BALIKAN ANG KILIG PHOTOS NINA BARBIE AT DAVID SA STORYCON NG MAGING SINO KA MAN DITO:

Dagdag pa nito, naging challenge rin sa kanya ang mga fight scenes ngunit kahit nasasaktan at masakit ang katawan, masaya si David na gawin ang mga ito dahil bago.

“Siyempre hindi natin maiiwasan 'yung mga siko sa bibig, minsan masasapak ka ng konti, tapos the next day, masakit katawan mo, like ngayon, masakit katawan ko. Siyempre masaya kasi bago nga siya, and maganda 'yung storyline,” sabi nito.

Ibinahagi rin ni Barbie kung paanong lahat ng eksena nila ay challenging para sa kanya. Ngunit sinabi rin ng aktres, “Siyempre dapat talaga, lahat ng eksena mo, gawin mong challenging para ikaw, sa sarili mo, mag-step up ka talaga.”

“Kahit 'yung mga simpleng eksena, 'yung mga nakakakilig na eksena, siyempre dapat i-step up mo 'yung game mo,” sabi niya.

Panoorin ang buong interview nina Barbie at David dito: