What's Hot

Barbie Forteza at David Licauco, mas bumuti pa ang relasyon

By Marah Ruiz
Published June 19, 2024 3:16 PM PHT
Updated June 19, 2024 3:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Barbie Forteza at David Licauco


Mas bumuti pa ang relasyon nina Barbie Forteza at David Licauco kaya mabuting impluwensiya ito sa mga projects nila.

Kumpara sa unang pagkakataon nilang magkatrabaho, mas close na daw ngayon si Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza at si Pambansang Ginoo David Licauco.

Image Source: gmaregionaltv (Instagram)

"Si David, ayaw niya aminin pero caring siya. Caring siya pero ayaw niya 'yung nakikita ng mga tao," paglalarawan ni Barbie kay David.

"Kasi noong may sakit ako sa Cebu, inalagaan mo ko, 'di ba? Natutulog ako sa lounge, paggising ko may tubig na ko. Pero sa mall show, hindi niya ko [inaalalayan]," dagdag pa ni Barbie.

Sagot naman ni David na very considerate din si Barbie sa mga nararamdaman niya.

"Feeling ko si Barbie, tinitingnan niya na baka busy ako, baka inisiip niya na baka may ginagawa, hindi ko muna siya kakausapin. O kaya baka wala ako sa mood makipag-usap dahil may sleep apnea ako. Tinitingnan niya. 'Pag kinausap ko na siya, that's the time na [okay na ako,]" paliwanag naman ni David.

Malaking tulong daw ang bagong closeness nila na ito sa mga bagong projects nila tulad ng upcoming movie na That Kind of Love na mapapanood na simula July 10, at ng upcoming GMA and Netflix series na Pulang Araw na mapapanood naman simula July 29.

"In terms of 'yung mga eksena na hindi kami kumportable gawin, kunwari 'pag mga kissing scenes, talagang pinag-uusapan namin para alam namin 'yung mangyayari sa eksena," lahad ni Barbie.

"Pinag-uusapan namin kung okay lang ba kung gawin ko 'to, gawin ko 'yan," pag-ang-ayon ni David.

"Pinag-uusapan pala natin siya after. Like, 'di ba sa plane, pinag-uusapan natin pero nagawa na natin. Hindi tayo sa set talaga nag-uusap," dagdag ni Barbie.

Panoorin ang buong panayam nila para sa GMA Integrated News Interviews sa video sa itaas.