
Excited na ang Kapuso love team na sina Barbie Forteza at David Licauco (BarDa) sa biggest historical drama ng GMA na Pulang Araw.
Kasama ang iba pang cast katulad nina Sanya Lopez, Alden Richards, at Dennis Trillo, todo preparasyon ang kanilang ginagawa para sa kanilang mga karakter sa programa.
Sa kanilang panayam kasama si Lhar Santiago para sa 24 Oras, inamin ng BarDa na napasabak sila sa challenges habang ginagampanan nila ang kanilang roles.
Para kay Barbie, labis ang kaniyang preparasyon para sa kaniyang karakter bilang bodabil star. Bago sumalang sa taping mismo, inaral pa niya kung paano mag-tap dancing kasama si Sanya.
"Biggest challenge ko rito sa show na 'to 'yung nag-pe-perform ako ng bodabil. So full tap dance routine habang kumakanta at uma-akting," pahayag ni Barbie.
Si David naman, gagampanan niya ang karakter na si Hiroshi, isang Japanese soldier.
Inamin ng Kapuso actor, "Na-challenge ako sa mga eksena namin ni Alden dahil magkaibigan kami rito. For me, conflict ko is, 'Do I you choose my country? Or do I choose my friends?' "
Challenge accepted naman daw ang team BarDa, lalo na at masaya sila makatrabaho ang buong cast ng programa.
Kuwento pa nina Barbie at David, isa sa kanilang bonding off camera ang mag food trip.
"Pihikan ako pag dating sa pagkain. Noong nag-samgyupsal ako sabi niya (si David), 'Parang masyado kang aggressive, noh, pag nag-sa-samgyupsal,' sabi ni Barbie.
Pabirong dagdag ni David, "Ma-ano talaga siya Tito Lhar, focus siya. Kaya sabi ko, 'Okay lang ba siya?' "
Maliban sa Pulang Araw, malapit nang mapapanood ng fans ang kanilang tambalan sa big screen na That Kind of Love.
Excited na raw sina Barbie at David na mapalabas ito dahil maganda ang pelikula at interesting ang plot.
"Fresh take talaga siya, modern love story (and) we're bringing back Philippine cinema talaga," sabi ni Barbie.
SAMANTALA, TINGNA ANG ILANG PHOTOS NINA BARBIE AT DAVID DITO