
Tuwang tuwa ang fans sa good vibes na hatid ng bagong TikTok video ni Sparkle actress Faith Da Silva kung saan kasama niyang suyamaw sa dance trend na "Beauty and a Beat" ang Maging Sino Ka Man co-star na si Barbie Forteza.
In character na sumayaw sina Barbie at Faith sa "Beauty and a Beat" bilang Dino at Betty ng Maging Sino Ka Man.
Sulat ni Faith, "Kay Dino na lang kaya?"
Komento ni Barbie, "Mine."
@faithdasilva29 Kay Dino nalang kaya? 🤨 #MagingSinoKaMan ♬ original sound - shio
Aliw na komento ng fans sa dance video nilang ito, "Hoyyyy paktay bagong karibal," "Bakit kinilig ako," "May chemistry haha."
Parehong napapanood sina Barbie at Faith sa primetime series na Maging Sino Ka Man kasama si David Licauco. Abangan ang Maging Sino Ka Man, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.
KILALANIN ANG CAST NG MAGING SINO KA MAN SA GALLERY NA ITO: