GMA Logo barbie forteza and jak roberto
What's Hot

Barbie Forteza at Jak Roberto, secure na sa isa't isa

By Jimboy Napoles
Published January 11, 2022 6:09 PM PHT
Updated January 11, 2022 8:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

8 Filipinos who brought glory to the Philippines in 2025
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

barbie forteza and jak roberto


"The way we handle our relationship is very mature," ani Barbie Forteza tungkol sa relasyon nila ni Jak Roberto.

Magkasamang ipinagdiwang ng celebrity couple na sina Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza at Kapuso hunk actor na si Jak Roberto ang Pasko nitong nakaraang taon at ang pagsalubong sa 2022 sa tahanan ng pamilya ng aktres.

Sa panayam ni Nelson Canlas sa aktres para sa Unang Hirit, sinabi nito na parang pamilya na rin ang turing ng kanyang kaanak kay Jak. Hindi na rin daw masyadong pinag-uusapan kung saan o paano sila magse-celebrate ng holidays taon-taon.

"Ang secure na namin sa isa't isa e, so hindi na taong kung 'Ano magkasama pa ba tayong magpapasko?' Hindi na, matic na, e," ani Barbie.

Nakikita rin daw ng aktres na kumportable na rin si Jak kasama ang kaniyang pamilya.

Aniya, "Kitang-kita ko na very at home siya, very comfortable na siya around my family both with my parents and even with my relatives."

Ipinagmalaki rin ni Barbie kung gaano ka-healthy ang kanilang relasyon ni Jak pagdating sa maraming aspeto.

Kuwento niya, "The way we handle our relationship is very mature, practical, very chill, like super chill lang hindi na namin masyadong bini-big deal kung magkasama kami or hindi as long as tuloy-tuloy yung pag-uusap namin, yung communication namin."

Bukod sa family at love life, winner din ang career ngayon ni Barbie. Mapapanood ngayon ang aktres gabi-gabi bilang si Steffy Dy sa GMA Primetime series na Mano Po Legacy: The Family Fortune kasama sina Boots Anson-Roa, Sunshine Cruz, at Maricel Laxa-Pangilinan.

Panoorin ang kabuoan ng life update ni Barbie sa video na ito:

Samantala, silipin naman ang ilang kilig photos ng JakBie sa gallery na ito: