
Pinag-uusapan na naman ng netizens sina Kapuso actress Barbie Forteza at former Pinoy Big Brother housemate Jameson Blake.
Sa isang Instagram post, muling nakita ang dalawa sa ginanap na 2025 Cabalen Half Marathon. Masaya nilang ipinagmalaki ang kanilang medals matapos ang matagumpay na 10-km run.
Kaagad pinusuan at ikinatuwa ng fans ang kanilang sweet snaps, na lalo pang nagpaigting sa mga hinalang "may something" sa likod ng kanilang tambalan.
"Good run and pure fun," caption ni Jameson sa kanyang post.
Ibinahagi rin mismo ni Barbie ang post sa kanyang Instagram story.
Photo by: barbaraforteza IG
Noong May 11, magkasama ring lumahok sina Barbie at Jameson sa Lights, Camera, Run! Takbo Para sa Pelikulang Pilipino fun run sa Mall of Asia Concert Grounds. Umani rin ng kilig ang kanilang photos, lalo't nag-iwan pa si Barbie ng comment sa post ni Jameson.
Nagkasama na rin ang dalawa sa Netflix movie na Kontrabida Academy kasama si Eugene Domingo.
Samantala, bibida si Barbie Forteza sa upcoming GMA Prime series na Beauty Empire, na mapapanood simula July 7, 9:35 p.m., at may delayed telecast sa GTV, 11:25 p.m.
Kilalanin sino si Jameson Blake sa gallery na ito: