GMA Logo Barbie Forteza, Mika Salamanca
Source: 24 Oras
What's Hot

Barbie Forteza at Mika Salamanca, nakiisa sa mga apektado ng baha

By Karen Juliane Crucillo
Published September 3, 2026 5:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

MV June Aster death toll rises to 76; remains of dog recovered
The Young Achievers Podcast: Abi Marquez and her love for food
KALURKS!: Aiai Delas Alas at Kim Ji-soo, makakasama sa chismisan! (Episode 1 Teaser)

Article Inside Page


Showbiz News

Barbie Forteza, Mika Salamanca


Nakiramay sina Barbie Forteza at Mika Salamanca sa mga kababayang naapektuhan ng baha.

Sa gitna ng mga pagsubok at sakunang nararanasan ng bansa, hindi nakalimutang magbigay ng malasakit ng Saving Cherry stars na sina Barbie Forteza at Mika Salamanca.

Ayon sa report ni Aubrey Carampel sa 24 Oras noong Miyerkules, September 2, nakiisa sina Barbie at Mika sa mga Pilipinong naapektuhan ng baha.

Para kay Barbie, hiling niya na kahit sa pamamagitan ng kanilang pelikula ay mapasaya nila ang mga Pilipino sa kabila ng mga pinagdaraanan ng bansa dahil sa sunod-sunod na pag-ulan dala ng habagat.

"I am sure na kahit sa dalawang oras na pelikula namin kahit papaano, sana mapasaya namin kayo. Makalimot kayo sa realidad at sa totoong nangyayari sa ating bansa at mag-enjoy kayo," sabi niya.

Ibinahagi rin ng Kapuso Primetime Princess na nakaka-relate siya sa mga patuloy na nagtatrabaho kahit may sakuna.

"Kahit bumabaha, nagte-taping ako [ng] Honor Thy Mother. Nagpo-promote ako ng Saving Cherry. Tuloy ang buhay," kuwento niya.

Dagdag pa niya, "'Yung solusyon naman nanggagaling 'yan sa pinaka-mataas e. Hangga't ganito ang sistema natin, walang magbabago."

Samantala, binigyang-diin din ni Mika na ang solusyon sa mga ganitong sakuna ay ang pagkakaroon ng maayos na sistema sa bansa.

"Sa sobrang laki ng buwis na binabayaran natin, dapat nakikita natin 'yun sa daanan natin. Dapat nakikita natin 'yun sa tuwing may sakuna," pahayag ng aktres.

Dagdag pa ng ex-Pinoy Big Brother housemate, hindi dapat nararanasan ng mga Pilipino ang ganitong sitwasyon, lalo na't hindi dapat pagiging matatag lamang ang solusyon sa mga ganitong problema.

"Dapat pati 'yung kalsada natin matatag. Hindi 'yung mga Pilipino 'yung matatag," paliwanag niya.

Simulang napanood ang Saving Cherry sa mga sinehan nationwide noong September 2. Idinaos naman ang premiere night nito noong Martes, September 1, na dinaluhan ng ilang Kapuso stars na sina Alden Richards, Will Ashley, at Michael Sager.

Kasama nina Barbie at Mika sa pelikula sina Khalil Ramos, Mikee Quintos, AC Bonifacio, at Sassa Gurl.

Panoorin ang buong balita dito:

RELATED GALLERY: Celebrities and influencers share their take on trending flood control projects controversy