GMA Logo Barbie Forteza
Celebrity Life

Barbie Forteza, bukas na nga ba ang puso sa bagong pag-ibig?

By Karen Juliane Crucillo
Published June 4, 2025 12:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Megan Young, Mikael Daez mark first Christmas as parents
Mga pang-noche buena at laruan, inihatid ng GMAKF sa mga nilindol bago magpasko | 24 Oras
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Barbie Forteza


Barbie Forteza sa bagong pag-ibig: "Kung may magpaparamdam, wala namang problema 'di ba."

Sa kabila ng pagiging abala ni Barbie Forteza sa sunod-sunod na proyekto na dumarating sa kaniya, mukhang hindi naman isinasara nito ang kaniyang puso sa posibilidad ng panibagong pag-ibig.

Ayon sa report ni Lhar Santiago sa 24 Oras nitong Martes, June 3, curious ang mga fans kung mayroon pa itong panahon para sa kaniyang love life.

"Let's save the children first. Uy, ano ba 'yan?" biro ng Kapuso Primetime Princess nang tanungin tungkol sa kaniyang love life.

Dagdag nito, "Hindi naman ako strict about it. Kung may magpaparamdam, wala namang problema diba. Pero sa ngayon, multo pa lang kasi yung nagpaparamdam sa akin."

Sa ngayon, si Barbie ay nagsisilbing ambassador ng Save the Children Philippines na isang adbokasiya para sa mga bata. Kasama niya sa proyektong ito ang other half ng BarDa na si David Licauco.

Abala rin si Barbie sa kaniyang upcoming series na Beauty Empire kasama sina Kyline Alcantara at Ruffa Gutierrez.

Mapapanood din muli si Barbie sa big screen sa kaniyang upcoming horror film na P77.

Panoorin ang buong balita rito:

Samantala, tingnan ang teleserye iconic roles ni Barbie Forteza sa gallery na ito: