GMA Logo Barbie Forteza
What's on TV

Barbie Forteza, ibinahagi ang mga pagbabago sa 'Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday'

By Bianca Geli
Published January 20, 2021 5:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Barbie Forteza


Ikinuwento ni Barbie Forteza ang mga naganap sa kanilang lock-in taping para sa 'Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday' at kung paano nito babaguhin ang kuwento ng drama.

Naging challenging man ang kauna-unahang lock-in taping niya para sa GMA Telebabad series na Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday.

Kuwento ni Barbie Forteza sa Mornings with GMA Regional TV, "Surprisingly everything went smoothly and natapos namin ng maayos, walang aberya. Lahat kami nakauwi ng safe and healthy and ang saya rin kasi kahit ang dami pang restrictions sa set nagawa naman namin ng maayos.

"'Yung bonding nandoon pa rin naman kahit na socially distanced kami sa isa't isa. Nakakapagchikahan pa rin naman kahit papaano. Masayang-masaya 'yung experience kasi na-miss namin magkita kita lahat kasi bago mag-pandemic halos araw-araw magkakasama kami. Ang daming chikahan."

May mga nagbago rin daw sa original story ng programa at mga eksena para maging angkop sa kanilang lock-in taping na tumagal ng tatlong linggo. Ayon kay Barbie, "Yes, good thing the writers cooperated with us and sumulat na lang din sila ng six-weeks na script na talagang angkop doon sa aming location, sa current situation namin ngayon. To my advantage, medyo nabawasan 'yung mga pagtapon ng kape, mga pag-away-away sa putikan kasi ayaw namin ma-delay ang taping kasi siyempre kapag may mga ganoong eksena kailangan maligo, kailangan mag-ayos ulit.

"So this time, na-lessen namin 'yun. Pinalitan na lang namin ng mga mas matitinding linyahan, sagutan, away kung away. Hindi naman na-sacrifice 'yung sitorya namin, nandoon pa rin 'yung flow ng story namin."

Magiging mas kapanapanabik din daw ang mga eksena lalo na't tumitindi ang love triangle sa pagitan nina Ginalyn (Barbie Forteza), Caitlyn (Kate Valdez), at Cocoy (Migo Adecer).

"[Dapat abangan] kung mapapatawad ba ni Caitlyn si Ginalyn. Hindi naman maitatanggi na mahal na mahal ni Ginalyn si Cocoy. Nagkataon lang din talaga na mahal na mahal ni Caitlyn si Cocoy. Malalaman natin kung mas mahalaga ba ang friendship sa love at kung mag-co-compromise na lang sila."

Ibinahagi rin ni Barbie ang mga pagkakaiba ng kaniyang karanasan sa pag gawa ng comedy shows at heavy drama. "First of all, gusto kong magpasalamat kasi hinahayaan ako ng GMA kung saan ako mag-e-excel at kung ano pa 'yung mga kaya kong gawin. Kasama na sa mga kaya kong gawin is 'yung drama and comedy. Kung sa pagiging comfortable lang at stress-free, comedy, siyempre. Pero may kasabihan na mas madaling magpaiyak kaysa magpatawa. Challenging din naman ang comedy."

Ngayong tapos na ang lock-in taping ng Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday, mas may oras na muli si Barbie para sa kaniyang mga personal goals. Aniya, "I'm trying to be more optimistic para positive aura rin ang makuha ko. I like to plan things ahead, sinusubukan ko rin may mga ma-accomplish para sa sarili kong fulfillment. This year marami akong nakaplanong gawin, for my personal goals and also for my family. Sana magawa ko na lahat."

Panoorin ang all new episodes ng Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday sa GMA Telebabad, tuwing alas otso ng gabi.

Watch:


Related content:
'Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday' actors share mental health tips during the pandemic