GMA Logo Kate Valdez
What's on TV

Kate Valdez, nahirapan sa pagbabalik eksena sa 'Anak ni Waray vs. Anak ni Biday'?

By Bianca Geli
Published January 15, 2021 12:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Kate Valdez


Aminado si Kate Valdez na naging challenging ang pagbabalik taping niya bilang Caitlyn para sa 'Anak ni Waray vs. Anak ni Biday.'

Matapos ang ilang buwan ng pagpapahinga mula sa taping, sumailalim sa lock-in taping si Kate Valdez kasama ang cast ng Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday. Matapos ang ilang buwang lockdown, balik trabaho na ang cast ng GMA Telebabad drama nitong Setyembre.

Tingnan ang cast ng Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday:

Ibinahagi ni Kate na nanibago siya sa pagbabalik eksena lalo na at lock-in ito.

Kuwento ni Kate, "Ilang months din po kaming walang taping. Medyo nahirapan ako mag-adjust sa character ko nung nagkaroon na kami ng lock-in taping, kinabahan din ako. Paano na nga ba si Caitlyn, saan na ba nag-stop 'yung emotions niya, gaano na ba kalaki, gaano na ba kabigat?

"So, nahirapan po akong mag-adjust sa totoo lang pero pagdating naman sa set, na-surprise naman ako dahil kasama ko po [sina] Ate Barbie. So kahit papaano natulungan din na ma-boost ulit 'yung emotions ko."

Naging malapit na kasi si Kate sa mga kasama sa taping kaya nanibago rin daw siya sa social distancing sa set.

"Nakasanayan na po namin sa set na pagdating namin, beso beso. Minsan nakakalimutan ko na bawal palang mag-beso. Ugali ko na rin po 'yung [mang]-hug kaso pinipigilan ko 'yung sarili ko kasi bawal na, [pati na rin] ang ugali naming mag-chikahan, kumain sabay sabay. Ngayon, hindi na katulad before. Malaking adjustments po 'yun for me."

Habang nasa lock-in, naging connected pa rin si Kate sa kaniyang mga fans sa pamamagitan ng social media. "Satisfied ako na I was able share to them kung ano 'yung mga ginagawa namin sa set and 'yung mga bonding namin. So na-i-inspire rin sila kasi nag-e-enjoy kami sa ginagawa namin."

Ibinahagi rin ni Kate ang mga gusto niyang ma-achieve ngayong taon kung sakaling matapos na ang pandemya.

"Ang gusto kong ma-achieve this 2021 is magkaroon ako ng more courage na mag-try ng mga bagong skills na makakatulong for me. Kasi tamad ako lumabas nung wala pang pandemic, kahit sa mga places na gusto ko naman puntahan, mas pipiliin ko na lang mag-stay sa bahay. I don't know why, hindi ko lang siguro talaga ugali lumabas. Kapag may rest day, dito lang ako sa bahay manonood ng movie.

Ang pinakapasyal ko na lang mag-mall o manood ng movie sa movie house. Medyo boring pero masaya na ako doon. Before noong wala pang pandemic. I'm also praying na maging okay na ang lahat para ma-push ko na talaga na maging adventurous ako.'

Abangan ang pagbabalik ni Kate Valdez bilang Caitlyn Agpangan sa Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday ngayong Pebrero sa GMA Telebabad.